Chapter Two - The Stuttering-Inducing Solution

2.4K 61 41
                                    

Hula ni Kiel, violet ang favorite color ng kanilang guidance counselor. Iyon kasi ang kulay ng dingding, ng papel na pinangdisenyo sa table, ng bag na nakapatong sa gilid niyon, ng pen canister, ng throw pillows sa couch sa isang panig ng opisina, ng nail polish at ng suot mismo ng matanda. But then again, theory niya lang iyon, wala pa siyang matibay na ebidensya.

Dinala si Kiel doon ng guwardya ng unibersidad, kasama si Snow White na narinig niyang tinawag na 'Tori' noong isa sa dalawang kaibigan nitong hirap bumigkas ng mga salitang may 'R', kagaya ng mga konyo sa TV. Iyong isa naman 'sh' ang bigkas sa mga may 's' na salita. Napansin niya ring mahilig sila sa 'like' at 'duh'.

Hindi na umiiyak si Tori pero namumula pa rin ang mga mata nito at ilong, and he thought, she really looked so pretty. Sayang lang, buntis na pala ito.

"So, tell us what really happened, Mr. Verdadero," untag ni Mrs. Violet, este Mrs. Garcia.

Pinilit niyang magsalita kahit nanginginig na naman ang mga tuhod niya dahil sa titig ng mga kaharap sa kanya. "H-hinahanap ko po 'yung ID ko sa bag 'tapos naramdaman ko pong may bumangga sa akin. A-aksidente lang po, h-hindi ko po alam na buntis siya, Ma'am, sorry po."

Kumunot ang noo ng principal. "Buntis? Sino'ng buntis?"

"S-siya po." Itinuro niya si Tori.

"What?!?" sabay-sabay na react ng apat na babae. Sabay-sabay rin iyong sinundan.

"Why didn't you tell us?" Si BFF #1.

"Sino'ng father?" Si BFF #2.

"Nagawa mong salisihan ang tatay mo?" Si Mrs. Garcia.

"I am not pregnant! What the eff are you talking about, you freaking weirdo?" singhal ni Tori sa kanya.

Mula sa pag-iinit ng mukha dahil sa pagtitig nito sa kanya, nanlamig si Kiel bigla. "Ah... ahm..."

"Ipaliwanag mo, Mr. Verdadero," anang guidance counselor.

"E-eh, kasi s-s'abi mo, n-nadinig ko, you lost your baby."

"It was an iPhone that I lost, you nitwit! A brand new iPhone that cost my parents thousands of pesos! An iPhone na wala pang twenty-four hours ko nagagamit. And FYI, I never had a BF, you egghead!"

In fairness, ang ganda nito habang nagpapaliwanag. Tapos, parang ang lawak ng vocabulary ng babae pagdating sa mga derogatory terms para sa mga nerds. At ang cute nitong magalit na malamang kahit sinong insultuhin nito ay mabibighani at mapapangiti na lang. Lalo tuloy niya itong naka-crush-an.

At hindi ito buntis! Wala rin daw boyfriend! Parang isang malaking billboard iyon—complete with neon lights—ng magandang balita na bumalandra sa kanyang harapan.

Bigla, walang babalang na-imagine ni Kiel na kung girlfriend niya ito at may LQ sila, ganito magagalit si Tori sa kanya. Siguro, imbis na magalit din at makipag-away, ngingiti na lang siya na parang loko-loko. Tapos, yayakapin niya ang babae.

Napangiti siya nang malapad, ngunit agad din iyong napalis nang makitang pinagmamasdan siya ng mga kasama sa silid na para ba siyang absent-minded weirdo na ngiti-ngiti mag-isa—na totoo naman.

"Mahal 'yun. Like , forty-seven nine ninety," asik ng kaibigan nito.

"Magkano?" ani Mrs. Garcia.

"Forty-seven thousand nine hundred ninety pesos."

Epektibong naputol niyon ang pangangarap ni Kiel nang gising. At huminto ang utak niya sa forty-seven thousand.

What the...? Sinong mayabang at eengot-engot ang maglalabas sa kalye ng ganoon kamahal na gadget? Mabuti na lang pala hindi iyon na-snatch.

The Dork Knight (Published by Bookware Pink&Purple)Where stories live. Discover now