Chapter 9 - The Selfless Love Paradigm

1.5K 53 37
                                    

"B-bitawan n'yo siya!" sigaw ni Kiel sa mga lasing kahit butil-butil ang pawis niya sa kaba.

Ang lalaki ng dalawang lasing, at di gaya noong una niyang niligtas si Tori sa isang maton, wala siyang dala ngayong makakapal na Medieval History books.

"Kiel..." Nakita niya ang magkasamang relief at takot sa mga mata ng babae.

Bumaling sa kanya ang dalawa at nagtawanan.

"Ito na ba 'yun? 'Yung sinabi mong magliligtas sa 'yo, Baby Girl?" ani Lasing #1.

"Parang isang bulate na lang ang di pumipirma rito, ah," tawa ng Lasing #2.

Lalong lumakas ang tawa ng mga ito.

"Please... 'wag siya. Arbor ko na siya sa inyo," ani Kiel.

"Alam mo ba itong babaeng ito, sinampal ako ng bag niya. Ang sakit n'un, ah!"

Kasabay ng paghanga sa tapang ng dalaga, kinabahan din siya.

"Please, parang awa ninyo na, 'wag n'yo siyang sasaktan."

Sa ibang pagkakataon, matatawa rin siya sa sarili.

Wala ba siyang ibang tactic? Ito na ba iyong fighting technique niya, ang makiusap? Parang gusto niyang mahiya sa sarili.

Nilapitan niya ang dalawa, habang palihim na sinesenyasan ang dalaga na lumayo sa pamamagitan ng sulyap. Sayang talaga di sila marunong ng mental telepathy.

"Bakit, ano mo ba 'to? Syota mo?" asik ni Lasing #1 na napansin niyang medyo buway na tumayo. Sa tantya niya, isang malakas at di-inaasahang sipa lang, babagsak itong tulog sa kalsada. Kailangan niya lang muna itong ma-distract.

Tumawa si Kiel nang bahaw. "Wish ko lang. Mahal ko 'yan, Kuya. Mahal na mahal."

Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Tori, di yata makapaniwalang nagtatapat siya ng damdamin habang hina-harass ito ng mga lasing. Siya rin naman di makapaniwalaang nasabi nga niya iyon sa dalawang estrangherong lasenggero.

"Kaso tingnan mo naman siya, mukhang prinsesa. Mas bagay siya sa mga magigiting na lalaki, 'yung malalakas at kayang magtanggol sa kanya. Malay ko naman sa mga gan'un? Libro at comic books lang naman ang hilig ko."

Lumapit siya sa mesa ng dalawang lasing at nakitagay kunwari. Pero imbis na 'yung basong may gin, iyong chaser ang tinungga ni Kiel. "Ayaw niya sa akin, gusto niya iyong sundalo. Ano'ng laban ko d'un? Ang sakit, mga kuya, ang sakit talaga," drama niya.

Seryosong nakatitig sa kanya ang dalawa, at inakala niyang gumana na ang plano niya at nakalimutan na si Tori.

"Eh ganun naman pala, eh. Buti pa, kidnap-in na natin itong si Baby Girl at gawin mo na'ng gusto mo. Panonoorin ka pa namin! O kung gusto mo, kukunan ko ng video, souvenir!" Nagdagdag pa ito ng masasagwang mga salita kaya uminit na talaga ang ulo ni Kiel.

"Mahal ko nga eh, ba't ko babastusin?! Mga sira pala kayo, eh!"

Tinulak niya ang mesa pataob sa direksyon ng dalawa at saka ubod-lakas na tinadyakan iyon para tuluyang mapahiga ang mga ito sa semento nang tuluyan. Umungol si Lasing #1 at natulog na.

One down, one to go!

"Kiel!"

"Takbo, Tori!" sigaw niya. "Tumawag ka ng tulong!"

Nang makitang papatayo si Lasing #2, dinampot niya ang isang bote ng gin na di pa nabubuksan at ipinukpok iyon sa ulo nito. Habang nagpipisag itong parang nalulunod sa Ginebra, tumakbo na siya pasunod kay Tori na panay ang sigaw para humingi ng tulong.

The Dork Knight (Published by Bookware Pink&Purple)Where stories live. Discover now