Chapter Three - The Hunk-In-Dork's-Clothing Effect

1.7K 55 49
                                    

Ayaw sa kanya ni Kiel. Iyon ang pakiramdam ni Tori habang pinagmamasdan ang lalaki na parang hirap na hirap siyang sulyapan man lang.

At ikinaiinis niya iyon dahil: (1) Alam niyang hindi siya pangit. Hindi siya vain, pero aware naman siyang pleasing ang kanyang hitsura. So ano ang problema nito sa mukha niya? (2) Paano siya nito tuturuan kung hindi siya nito titingnan? (3) She thought his eyes were cute but how could she look at those more kung ganoong iniiwas nito iyon sa kanya? ; at (4) Hindi ba talaga siya maganda sa paningin nito?

"I'm sure you know about Medusa, that hideous monster from Greek mythology," bigla niyang sabi.

"Hmm... Medusa? What about her?" wala sa sariling untag ni Kiel, patuloy sa pagbasa sa textbook.

Magkaharap sila sa mesa sa loob ng university library at doon nagtuturuan.

"Well, I'm wondering if you think I look like her. Hindi mo kasi ko magawang tingnan, eh."

Umigkas ang ulo ni Kiel at nanlalaki ang mga matang napatitig sa kanya. "Wha-what? N-no, o-of course not! That is not true. Really, really not true," namumula ang mukha, tainga at leeg na bulalas ng kaharap. "You're nothing like Medusa. I'm really sorry."

"Whatever." She rolled her eyes. "Just get on with whatever you're discussing."

Naningkit ang mga mata ni Tori nang makitang bumuga pa ito ng hangin bago nagsalita uli. Para bang ume-effort pa bago magawa siyang tingnan. Nakakainsulto na talaga, ah!

"Anyway, bibigyan kita ng assignment, ah. Okay lang ba?" marahan nitong sabi, medyo apologetic ang expression. Mukhang naramdaman ng kaharap na papakulo na ang dugo niya kaya parang sa nguso ng takure, lumalabas na ang usok sa ilong niya.

Tumango lang siya. "Okay."

"Kailangan mo kasi talagang makabisa ang multiplication table at 'yung mga formula. Hindi tayo makakausad sa kahit anong pag-aaralan natin kung di mo 'yun magagawa. Mauubos lang ang oras mo parati sa kagagawa ng ganito." Pigil ang ngiwing itinaas nito ang scratch paper niyang puno ng tantos.

Buti na lang napigilan niya ang ngiti. In fairness, lihim siyang humahanga sa binata. Sa dami ng pinagdaanan niyang tutor, ito ang pinakamatiyaga. Bah, iyong dati niyang guro ay kulang na lang derechahan siyang tawaging tanga dahil hindi niya alam kung ano ang sagot sa seven times eight, at kailangan pa niyang magbilang habang nagtatantos sa scratch ng pitong grupo ng mga poste na tigwawalo. Tapos, napasobra pa iyong tantos niya kaya ang ending, mali ang sagot. Nakita talaga niyang namula ang buong mukha ng guro at dalawang oras yata siyang sinermunan tungkol sa pag-aaral nang maige dahil utang niya iyon sa magulang niyang nagpapakahirap magtrabaho para lang matustusan ang kanyang pag-aaral.

Na may punto naman dahil siyempre, hello, ilang taon na ba siya? At Grade I pa lang yata itinuturo na ang multiplication table!

Pero si Kiel, ni hindi man lang niya nakitang kumunot ang noo kahit minsan. Sa halip ay matiyagang pinaliwanag ang mga bagay sa kanya. And he looked so cute doing it.

Sinaway niya ang sarili sa huling naisip.

"Kakabisahin mo lang itong table. Kahit paunti-unti lang." Kimi siya nitong tiningnan. "Maggu-Google ako kung may mas madaling paraan para makabisa mo ito, ah. Dadalhin ko bukas. Pero assignment mo 'yung multiples ng 4, 6 at 7. Kaya?"

"Puwedeng 4 muna saka 6?" hirit niya. "Mahirap 'yung 7, eh."

Sandali itong nag-isip. "Okay. Pero next week 7, 8, 9 ang kakabisahin mo."

Sa totoo lang, bagaman medyo naaasar dahil nga halos ni hindi siya magawang tingnan ng lalaki sa mukha habang tinuturuan, naaawa na rin siya kay Kiel. Masyado kasi itong napapagod at nahihirapan sa kanya.

The Dork Knight (Published by Bookware Pink&Purple)Where stories live. Discover now