Chapter 10 - The Dorkest Hour

1.5K 43 30
                                    

"Oy, ako na 'yan, Kiel," saway ni Tiyang Ge. Inagaw nito sa kanya ang bitbit niyang maruruming plato.

Kalalabas lang niya ng ospital kaninang hapon matapos lumabas sa mga tests na wala siyang anumang diperensya maliban sa sugat sa ibaba ng kanyang batok na bunga ng nabasag na boteng binato sa kanya at ilang gasgas at pasa.

Katatapos lang nilang maghapunan at balak niya sanang maghugas ng mga pinagkainan kaso pinigilan nga siya ng tiyahin.

"Ako na lang po ang taga-banlaw."

Umiling ito. "Baka magdugo pa 'yang sugat mo kakikilos mo dito sa bahay."

"Sumasakit din po kasi ang katawan ko kakahilata. Ayaw ko rin pong makaabala pa sa inyo."

"Sus!" Natawa ito. "Hayaan mo namang kami naman ang mag-alaga sa 'yo, Kiel, tatlong taon na rin namang ikaw ang nag-aalaga sa amin."

"Wala po 'yun sa akin. Hindi naman po gan'un kahirap."

"Hindi porke wala akong sinasabi, ibig sabihin ay hindi namin naa-appreciate ang mga ginagawa mo," ani Tiyang Ge.

Napangiti siya. "Bayad ko na po 'yun sa pagkupkop n'yo po sa akin."

"Sobra-sobra na 'yun, Kiel. Kami naman ang pabawiin mo sa 'yo habang nagpapagaling ka. Deal?"

Tumango siya, nakangiti pa rin. "Okay po." Binitiwan na niya ang babanlawan sanang nasabong baso.

"Umakyat ka na sa kuwarto mo at magpahinga."

Umakyat na siya ng hagdan matapos maghugas ng kamay. Pumasok siya ng silid niya at pinindot ang switch.

"Welcome—"

Napasigaw siya sa gulat nang may sabay-sabay na magsalita. Napa-fighting pose pa siya kaya nagtawanan ang mga bata.

Noon lang niya napagmasdan ang kuwarto niya. Nagsisikan sa loob niyon ang nanay niya na kanina lang ay kasabay niyang naghapunan. Katabi nito ang mag-amang Avellana. May hawak na cello ang nakaupong si Tori habang ang daddy nito ay may kaharap na keyboard na ipinatong sa isang stool. Sa gilid ng pinto, dikit-dikit na nakatayo si Erica, at ang ilang kasama nito sa STK. May mga hawak na violin, cello at gitara ang mga ito. Kulang kinse yata silang lahat sa loob ng silid na iyon. Tomato sauce na lang, sardinas na sardinas na!

"Welcome home, Hijo," bati ni Mr. Avellana. "Thank you for protecting my baby last night."

Lumingon siya sa tinukoy nitong 'baby' at saka masuyong ngumiti. Nang ngitian din siya ni Tori, parang nawala siya sa huwisyo. "Wala po 'yun, Sir. It... it was nothing."

Gusto niyang batukan ang sarili nang ma-realize na iisa lang ibig sabihin ng dalawang sentences niya. Pero dahil malamang mag-stutter lang siya kapag nagdagdag pa ng ibang salita, tinikom na lang niya ang bibig.

"Hindi ka na namin naabutan kanina sa hospital kaya dumerecho na kami dito. Gusto sana naming mag-thank you; pero sa ginawa mo hindi sapat ang mga salita lang, so we decided to thank you with a song... kung okay lang sa 'yo."

Napangiti siya. "Oh. Naku, 'wag na po." Natigilan ang matanda. "I mean, nag-abala pa po kayo. Hindi naman po kailangan kasi..." Helpless na natigilan siya nang walang maisip na isunod doon. "Er, salamat po."

"You're welcome, Hijo. So here it goes. Wish ko lang 'wag umulan," anitong ikinatawa ng mga naroon.

Pinaupo siya sa tapat ng pinto sa isang stool na bitbit ng tiyahin na sumunod pala sa kanya. Sa tabi nito ang wingmen niyang sina Paul, Rudy, at ang tropang bangs (a.k.a. KC at Joe-Joe).

Hindi niya agad nakilala ang awitin dahil nga ginawang symphonic version. Pero nang dumating sa chorus, nakisabay na siya sa pagkanta ni Tori.

There goes my hero, watch him as he goes

The Dork Knight (Published by Bookware Pink&Purple)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon