44

127K 1.5K 689
                                    

**************************************SAMMY'S POV**********************************

"Ano?! Anong sabi mo? Pakiulit nga." iritang sabi ni Sander. Nandito ako sa kwarto niya ngayon para magpaalam.

Napakagat na lang ako ng labi at napayuko bago nagsalita ng mahina.

"Gusto ni Shaun...na maging manliligaw ko siya...for a month. Ang sabi niya...ang sabi niya he'll be mine for a month. " tugon ko naman.

"What the--ayoko. Hindi ako papayag Sammy!" pasinghal niyang sabi

"Eh...wala na...naka-oo na ako." 

"For pete's sake Samantha, why in the earth did you fvckin say yes?!" pasigaw niyang sabi,

"Pero--" naputol niya agad ang sasabihin ko.

"May asawa ka na Samantha, sa harap ng tao kasal ka na!" He said through gritted teeth. 

"Pero--" pinipilit kong magpaliwanag pero may tugon agad siya.

Natatakot na ako. Aaminin ko, natatakot ako di dahil galit siya, di dahil sa pagiging agresibo niya kundi dahil natatakot ako...natatakot akong...

makapagbitaw na naman siya ng mga salitang nakakasugat na mas masakit pa sa kahit anong hiwa, na mas mahirap maghilom sa kahit anong sugat.

"Pero lumalandi ka pa rin." wala na. Nakasakit na naman siya ng hindi niya nalalaman, minsan naiisip ko kung paaano ko natitiis ang ganitong sitwasyon, minsan maiinis ka pero kadalasan masasaktan ka.

Unti-unting uminit ang gilid ng mata ko.

"Oo, malandi na kung malandi, bakit ikaw? kasal ka rin di ba? Pero anong ginagawa mo? Patuloy ka pa rin sa pagbuntot sa bestfriend mo, patuloy pa rin kayo sa paglalandian ni Yesha!" pasigaw kong sabi. Di ko na napigilan. Alam kong magagalit siya kaya naman bago pa may magawa sa akin si Sander at tuluyang tumulo ang luha sa mata ko ay tumalikod na ako at dapat sana ay lalabas na ako ng kwarto niya

Dapat...dapat sana...

kundi lang niya ako hinigit pabalik at hinawakan ang magkabilang pisngi ko tapos ay hinalikan ako ng mariin sa labi. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at halos di makagalaw ang buo kong katawan sa bilis ng mga pangyayari.

Nanlalamig ang mga kamay ko at parang nablanko ang utak ko. Gusto ko siyang pigilan pero wala akong magawa dahil ang kamay at utak ko, ayaw makipagcoordinate sa isa't isa. Maya-maya pa ay humiwalay na siya sa akin. Di ko pa rin maintindihan ng maayos kung ano ang nangyari, kung bakit at paano, kung kailan siya nagsimula at humintong halikan ang labi ko. Napatingin lang ako sa kanya. Bubuka na sana ang bibig ko para magsalita at tanungin siya kung bakit niya ginawa 'yun at aawayin ko na sana siya pero para akong napipe nung binigyan niya ako ng isang mapang-asar na ngisi at saka nagsalita...

"Oh bakit pichu? Bakit parang nagulat ka? di ba yan naman ang gusto mo? Ang amuin ka't habul-habulin? Ang landiin? Wag na wag mong sasabihan si Yesha ng malandi dahil sa susunod baka di lang yan ang gawin ko sa'yo...pero kunsabagay, mukhang nag-enjoy ka naman sa halik ko di ba Samantha? Aminin mo na kasing naiinlove ka na sa akin, wag kang mag-alala, papayag naman akong landiin mo ak---

 

*PAK*

Just MarriedWhere stories live. Discover now