48

41.5K 622 73
                                    

********************************YESHA'S POV********************************

          Easy? Bullshit. It is not easy, it was never easy and it will never be. The moment I opened my eyes, the time when I looked around to find him, and the instant I’ve felt that agonizing sensation physically and emotionally? The word “hurting” became an understatement. That very moment, one thing had struck my mind: he never loved me and he will never do. Yes, it’s painful. The pain is so excruciating that after my tears ran dry, I don’t even know how to start again. I don’t even know where to begin. I don’t even know if everything will stay the same way as they were before.  Fuck it, I can’t even stand on my own feet again. Hindi ko na nga alam kung alin ba talaga ang masakit eh, kung yung sa ibaba ng puson o yung mismong puso ko. Gusto kong matawa dahil kanina nga kahit masakit, nakatayo ako para lang hanapin siya eh pero ngayon? Ngayon na mag-isa na lang ako at alam kong iniwan niya akong mag-isa? Pati ata senses ko iniwan na rin ako, sumama na rin ata sila kay Shaun. Hanggang ba naman sa pagtayo, kay Shaun pa rin nakadepende ang mga paa ko? Nakakainis. Nakakainis kasi kahit ayaw kong maging ganito ako, sa huli, eto pa rin pala ang magiging end game ko. Lalo ko lang pinatunayan na “the apple doesn’t fall far from the tree”.  

Ang pinakaiinisan ko pa sa lahat ay, hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na baka bumalik si Shaun. Na baka may binili lang siya. Na baka after what happened ay narealize na rin niya sa  wakas na there’s someone who can sacrifice everything for him. Pero kailan nga ba ako nagkaroon ng pag-asa kay Shaun? Kailan ba naging matagumpay ang unrequited love?

* * *

Ang tanga mo kasi eh.

My brain keeps on shouting and scolding my exhausted and scarred heart. Nakaharap ako ngayon sa salamin at nakatinngin sa repleksyon ng isang babaeng may malalim na eyebags at maputlang pagmumukha. Tatlong linggo na rin pala ang nakalilipas simula nung nangyari ang mga kaganapan sa bar.

OO nga, ang tanga ko kasi. Ang tanga-tanga ko naman kasi. Bakit ba kasi ang tanga-tanga mo ha?! Nakatingin pa rin ako sa salamin at doon ko nakita ang pagpatak ng luha galling sa aking kanang mata. Akala ko ba ubos na lahat ng luha ko? Peste.

Oh, tapos ngayon, iiyak iyak ka? Desisyon mo ‘yan, panindigan mo.

Sorry ah. Sorry kung umiiyak na naman ako ngayon. Sorry kung iniiyakan ko ang isang bagay na ako rin naman ang may pasya. Tao kasi ako eh, umiiyak din. Tao rin kasi ako, nasasaktan at may damdamin. Tao lang ako, nagkakamali rin.

Pero wala na eh, eto na eh, tapos na. Nagkamali na’t lahat lahat. Hindi ko alam kung pinagsisisihan ko ba ‘tong desisyon ko o naaawa lang ako sa sarili ko kasi ang laki kong gaga.

Ang problema kasi sa’yo, Yesha, masyadong nakadepende ang kasiyahan mo sa kasiyahan ng iba.

They say do whatever makes you happy, but that’s my problem…before. Ano nga bang nagpapasaya sa’kin? Ilang beses ko na ring naitanong ‘yan sa sarili ko hanggang sa nakita ko ang ngiti sa mukha ni Shaun. And that’s the time when I felt the word “happy”. Most of you will think that I’m too shallow, that I’m a hopeless romantic, that I’m insane and that I’m cliché, but, hey! Magkakaiba tayo ng perception sa buhay, magkakaiba tayo ng meaning ng happiness at magkakaiba tayo ng way  ng pagmamahal. At siguro nga, hindi sa lahat ng pagkakataon, mapapasatin ang happiness natin. Minsan talaga mapapatanong na lang tayo...

Am I not enough?

Siguro nga, I can be blamed for what happened. Masyado akong dumipende kay Shaun. Masyado akong nagpaapekto sa kanya. Kapag malungkot siya, doble ang dating nun sa akin. Kapag naman masaya siya, napapangiti ako bigla. Eto ang mahirap kapag masyado tayong in love eh, we loosen our grip on our emotions, we drop wise decisions and we forego love for ourselves. We relinquish self-importance and we develop folly within. We believe, expect and hinge on too much. We become the pushover bitch we never wanted to be. Kunsabagay, wala namang perpekto at matalino sa pag-ibig. Merong eksperto at bihasa pero walang perpekto at matalino. Lahat sucker, lahat nagiging loser. Puso kasi ang ginagamit sa pagmamahal at hindi naman utak, di ba?

Just MarriedWhere stories live. Discover now