53

27.1K 465 326
                                    


******************************SAMMY'S POV**********************************

"Sander, yung gatas!"

"Sammy, umiiyak na naman siya!"

"Sander, yung diaper! Dali!"

"Sammy, sumuka si Kesha!"

"Kunin mo yung pamunas, Sander!!!"

"Papainumin ba natin siya ng gamot?!"

"Adik ka ba? Dumighay lang siya, Chupi! Pero dalhin na kaya natin siya sa doktor?"

"E bakit natin siya dadalhin sa doktor?!"

"E kasi nga sumuka siya!"

"Akala ko ba dighay yun?"

"Oo nga, dighay lang yun. Ata?" walang kasiguraduhang sagot ko.

"Ano ba talaga Sammy?!" nagpapanic na tanong ni Chupi. Pati tuloy ako nagpapanic na rin, malay ko ba!

"Hindi ko alaaaammmm, mukha ba akong nagkaanak na?!" mangiyak ngiyak kong reklamo kay Sander. Paulit- ulit na ganyan ang set-up namin sa loob ng isang linggo.

Wala kang ibang maririnig maliban sa iyak ni Kesha na automatic na may kasunod na ngawa ni Sander ng,

"Sammmmyyyyyy!"

Hindi naman ako nainform na grabeng stress sa katawan ang dulot ng pag-aalaga ng bata. Akala namin puro pagpapatawa lang ang gagawin kay Kesha. Aba't in the end, kami na lang natatawa sa sobrang katangahan at pagod namin. Nakakabaliw!

"Shhh! Wag kang maingay, baka magising yung baby." Mahinang saway ko habang unti-unti kong nilalapag si baby Kesha sa crib nito. Ang kulit kasi ni Sander eh, kapag ito nagising ulit dahil sa kaingayan niya, mag-aalsa balutan na talaga ako. Panindigan niya pagiging single father!

"Halika na kasi, matulog na tayo."

"Oo na, ang kulit? Paulit-ulit?"

Inayos ko muna ang mga unan sa paligid ni Kesha at pinagmasdan ang munting anghel. Grabe ang cute cute ng baby na 'to, paglaki nito panigurado pipilahan 'to ng mga manliligaw. Ganitong mga moments masasabi mo sa sarili mong worth it lahat ng pagod mo sa pag-aalaga. Iba talaga ang joy na naidudulot ng mga babies. Pero buo na talaga ang isip ko na hindi pa talaga ako ready maging mommy. As in. Final Answer.

"Tagal mo naman eh." Pangungulit ni Sander. Binaling ko ang ulo ko at sinamaan siya ng tingin.

"Bakit ba atat na ata kang matulog ha? Mauna ka na kung gusto mo." Inis na tanong ko

"Pagod na kasi ako."

"Wow, ikaw pa talaga pagod? Mahiya ka naman uy! Ano, ikaw lang pagod?! Wag selfish uy!" mahina kong pagmamarakulyo. Akala mo naman ang dami niyang ginawa. Ang dami nga! Ang daming beses niyang tinawag yung pangalan ko para ako ang magpatahan, magpalit ng diaper at magpakain kay Kesha. Best daddy ever!

Natawa lang ang loko. Sarap pasakan ng tsupon sa bibig nang matahimik e.

"Mukha ka na kasing zombie." pang-aasar naman niya.

"Mukha kang alien!"

"Crush mo naman." nakangiting sabi niya

Umarte akong parang sumusuka dahil sa sinabi niya. Kapal talaga neto.

"Oh, bakit buntis ka? Wala pang nangyayari sa'tin, wag excited uy!" pang-aasar niya. Tumakbo ako papunta sa kama at tinulak siya hanggang malaglag.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Just MarriedWhere stories live. Discover now