47

47.8K 746 186
                                    

Tamad ang author magbackread kaya hindi ko rin kayo o-obligahing magbackread. Kanya kanyang trip lang 'yan, HAPPY ANNIVERSORRY!

********************************SANDER'S POV**********************************

Nauna akong magising kaysa kay Sammy. Alam niyo naman si Sammy, may pagka-Snorlax talaga. Nakakatuwa dahil hindi siya nahulog at hindi niya ako nadaganan, mukhang nagbehave naman siya ngayon sa pagtulog. Isa pa, pagmulat ng mata ko, ang magkahawak na kamay namin ang una kong nakita. Hindi nga kamay eh, parang hinliliit na lang namin ang nakakapit sa isa’t isa. Para tuloy kaming nagpinky swear.

Umupo ako nang hindi pa rin siya binibitawan. Nilagay ko ang kaliwang siko ko sa gilid ng kama ni Sammy at nangalumbaba ako habang nakatingin sa kanya.

Buti hindi tulo-laway si Pichu ngayon. Napangiti ako, wag niyong isiping ang bakla ng kilos ko dahil normal lang naman sa lalake ang ngumiti at lalo na ang umiyak. Hindi kailanman nasaad sa constitution na bawal umiyak, ngumiti at kiligin ang mga lalaki. Things we do like smiling, crying and other cheesy annoying stuffs doesn’t make us less of a person and most importantly less of a man.

Nakatingin lang ako kay Sammy. She’s a mess actually. Her face was a good example of a beautiful abstract painting and also her position was very inappropriate for a lady of her age. She snores, she’s like an animal in bed—a koala to be specific ‘coz she sleeps like one, and she rolls carelessly like a pig in a pile of mud. All in all, she’s not very ladylike, but that doesn’t make her less of a woman.  Hindi rin ito hadlang para magustuhan at respetuhin siya ng mga tao. Even though these traits are quite annoying, as time passed by, eto rin yung mga traits na hahanap-hanapin mo sa kanya.  Madaling mahalin si Sammy, kahit may pagka-isip bata siya kung minsan siya yung taong hindi mahirap pakisamahan. Kung siguro nauna-una lang siya ng dating kaysa kay...

Oh shit! Si Yesha! Bakit kaya wala siya sa party kahapon? 

Hinagilap ko kaagad ang cellphone kong matagal ding nakapatay at binuksan ito. I tried to call Yesha several times pero ring lang ng ring ang phone niya. Last try...

"Yeshie, come on, answer the phone." mahina pero desperadong sabi ko.

Ano na kayang nangyari dun? Hindi ko maiwasang 'di mag-isip, galit kaya siya sa'kin dahil di ako nagparamdam for a couple of weeks? O baka naman something bad happened to her? 

Naramdaman ko ang paggalaw ng kanang kamay ko dahil na rin sa pagtalikod ni Sammy. Nagkahiwalay tuloy ang pinky fingers namin, napabuntong hininga na lang ako. 

Minsan talaga kahit ayaw mong bitawan ang isang bagay, kung sila mismo ang may kagustuhang bitawan ka o kahit hindi man nila sinasadyang bitawan ka, may magagawa ka pa ba?

*******************************SAMMY'S POV**********************************

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang boses ni Sander.

"Yeshie, come on, answer the phone."

Siguro nga, kahit anong mangyari, ang unang taong hahanapin niya pagkagising niya ay yung taong mahal niya. 

Ramdam ko na nakahawak pa rin siya sa'kin pero napag-isip-isip ko na baka nakakaabala na rin ako. Imbes na matawagan niya si Yesha ng maayos ay nahihirapan siya dahil yung kaliwang kamay niya ang ginagamit niya imbes na ang kanan niya. Hindi naman kasi kaliwete si Sander kaya kunwari ay tumagilid ako dahilan para mapabitiw ako sa kanya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at hindi maiwasang magtanong ng isip ko kung nanghinayang ba siya sa pagkakabitaw ng kamay namin o nabunutan siya ng tinik sa dibdib dahil makakakilos na siya ng maayos?

Just MarriedWhere stories live. Discover now