12

192K 1.1K 125
                                    

****************************************SANDER'S POV************************************************

Bwahahaha... pasalamat siya....hahahaha...singit kasi 'tong tawag na 'to eh, sino ba 'to?

Sinagot ko yung phone.

"Hello?"

"Hello po Senyorito, may mga bisita po kayo dito sa bahay."

"Sino?"

"Mga clients daw po ng daddy niyo eh."

"Eh bakit nandyan sila sa bahay? dun dapat kamo sila pumunta sa Korea, andun si daddy eh!"

"Eh sir tumawag na po yung daddy niyo dito sa bahay, kayo daw po muna ang humarap."

"Ano?! Aisshhh sige uuwi na ako diyan."

"Isama niyo daw po si Ma'am Sammy Sir."

"H-huh? Bakit?"

"Aa--eeh---Sir yung niluluto ko po, nasusunog na...sige po Sir, bilisan niyo daw po. Si--rrr--C-h--o--pp--y ---"

*toooooooooooooooooooooootttttt*

Ayos 'tong tatay ko ah, ipasa ba sa akin ang mga kliyente =.=" pati chimay ko, walang galang. Pa choppy choppy pa halatang japeke naman tsss...malas..

Bumalik na ako sa kotse.

"Hoy pichu halika na."

 "H-huh?! Saan naman?"

"Sa tabi-tabi."

"SAAN NGANG TABI-TABI?" nanlalaki na naman yung butas ng ilong niya hahahaha sayang talaga yung kanina

"SA BAHAY!!!!" sigaw ko...magiging armalite na naman bunganga niyan kapag di ko sinagot yung tanong eh, mabubwisit lang ako sa kakulitan =.="

"Ha? Ihatid mo na ako sa amin. Ayoko na dumaan sa bahay mo baka mamaya paglakarin mo na naman ako pag-uwi eh! Malapa pa ako ng bulldog!"

"Psssshhh wag ka na nga madaldal. Sasama ka sa akin sa ayaw mo at sa hindi."

Just MarriedWhere stories live. Discover now