34

158K 1K 219
                                    

*****************************************SANDER'S POV***********************************


"Ano ba naman 'tong babae na 'to! Ang bigat bigat! Daig pa baboy!" daing ko habang nakapasan si Sammy sa likuran ko. Sobrang antok ata, ayun nakatulog sa kotse. Aissh..kelangan ko pa tuloy buhatin, inatake naman kasi ako ng konsensiya ko kung hahayaan ko lang siya sa kotse matulog.

Pinihit ko yung doorknob ng guestroom kung saan siya natutulog...

"Bakit nakalock?!" tanong ko.

Naku naman oh...

Dinala ko muna siya sa may sofa at dun ihiniga. Kinuha ko yung bag niya at hinanap kung nasaan yung susi....

"Asan ba kasi yun?!" iritang tanong ko habang kinakalkal ang loob ng bag niya. Pati wallet niya binuksan ko sa pagbabakasakaling nandoon yung susi pero pagbukas ko nung wallet eh nakita ko ang isang picture.

Wallet size na picture nila nung parekoy niya ba yun? Shaun? Tama ba? Aisshh ano bang paki ko!

Di ko alam kung anong pwersang nagtulak sa akin para kunin yung picture na yun...ewan ko ba kung bakit nacurious ako..tinignan ko yung nakasulat sa likod...

Parekoy <3

June 04

A month before his birthday ^____^



Yan yung nakasulat sa likod ng picture...sus kaya pala wala sya nung araw bago kami pumunta ng orphanage..tsk...may paheart heart pang nalalaman...

teka teka...

Ano bang pakialam ko?! Aishh...

ibinalik ko sa wallet yung picture at patuloy na hinanap yung susi...nakakita rin ako ng iba pang picture...Family picture ni pichu...mukhang masaya sila sa picture at only child lang siya. Maganda ang mama niya't may itsura din ang papa niya. Halatang may pinagmanahan din itong si Sammy....

Oo na, sige na. Aaminin ko na, may itsura naman si Pichu. Sabi nga ni ate Xeena dati eh artistahin daw at magaling daw akong pumili. Maganda naman talaga siya...medyo slow nga lang. Aishh Sander ano ba yang pinagsasabi mo? Bakit mo pinupuri yang pichu na yan?! Ughh...

Pero mukhang mayaman ang pamilya ni Sammy. Halata sa picture eh, mukhang may kaya. Pero bakit mahirap si Pichu? Ano ba talagang nangyari?!

Umma, Oppa

Saranghae...dul-i neomu saranghae! naega dugae neomuna geuliwo...

-Alea

[Mom, Dad

I love you...I love you two so much! I miss you two so much...]

Just MarriedWhere stories live. Discover now