52

48.9K 962 459
                                    

***********************************SAMMY’S POV*******************************

“P’re, baka pwedeng iwan mo muna kami ng misis ko. May pag-uusapan lang kami.” Biglang sabi ni Sander kay Shaun.

Halatang gulat na gulat pa si Shaun sa narinig. Maski man ako eh! Kahit anong pilit i-comprehend ng utak ko yung sinabi ni Sander, error pa rin ang lumalabas.

Ako magiging mommy? Kailan? Saan? Paano? Kanino? Ano ako, Virgin Mary ang peg?

Huminga ako ng malalim at pumikit. Inaalala ko kung may kababalaghan bang nangyari sa amin ni Sander. Hindi ko maalalang binigay ko ang dapat ibigay sa kanya. Kahit nung pumunta kami ng hong kong, I swear walang ganap! I never swiped the v-card. I never make suko the bataan. Kung nakakabuntis ang kiss, harujusko! Hindi nga kaya dahil sa kiss?!  Posible ba yun? Oh em gee gee gee gee baby baby baby! O hindi naman kaya…

Napadilat ako nang biglang tumikhim si Sander.

“P’re.” tawag niya kay Shaun. Medyo nakarecover na rin sa pagkabigla si Shaun.

“H-Ha?”

“Sabi ko kung pwede iwan mo muna kami ni Sammy, may pag-uusapan lang kami.”

“Ahh. Sige.” Sabay tango, “Mauna na ako, Sammy. Pagaling ka.” Paalam ni Shaun.

“Ah, sige. Maraming salamat sa pagdalaw, parekoy. Pasensya na, next time na lang. Pasensya talaga.”

Tango lang ang sagot ni Shaun at saka lumabas na ng pinto. Si Sander naman dali-daling sinara ang pinto. Hindi pa man nakakabalik si Sander mula sa pagkakalock niya ng pinto ay binato ko na siya ng unan.

“Ni-rape mo ba ako habang natutulog akong hayup ka?!” galit na galit na sabi ko.

Yun na lang kasi ang naiisip kong dahilan. Walang hiya siya!

“Anong sinasabi mong rape diyan?” nagtatakang tanong ni Sander.

“Kunwari ka pa! Manyak ka! Rapist! Hayop ka!” nanggagalaiti kong sigaw habang pinagbabato siya ng unan. Nang maubos na ang unan ay sinunod kong kinuha ang mga nakalagay sa table tulad ng wallet at mga prutas sa fruit basket.

“S-sammy! Aray!” daing ni Sander. Nakaharang ang braso ng gago sa mukha niya.

“Bwisit ka!!!” sobang gigil na gigil ako sa pagbato kaya nung wala na akong makapa ay hinawakan ko ang huling bagay na nakapatong sa table.

“H-hey, Sammy! Wag ‘yan, masakit ‘yan kala mo!”  sigaw niya.

Mas mabuti nga yun para mapuruhan siyang hayop siya. Oo alam kong ang sadista ko pero wala na eh, hindi ko na makontrol yung galit ko kaya naman isa na lang ang tumatakbo sa isip ko. This is war! This is Spartaaaaa! Ipaglaban ang ninakaw na Bataan!

“SAMMY!” sigaw ni Sander. At bago ko pa mahagis sa kanya ang vase ay nalaglag na ito mula sa kamay ko at nabasag.

Nagulat ako pero mas ikinagulat ko ay nung dali-daling lumapit sa akin si Sander, akala ko sa akin siya pupunta yun pala ay sa gilid ko kung saan nakalagay yung gamit pantawag ng nurse.

Nagtaka ko kung bakit nagkukumahog si Sander sa pagtawag. Dun ko lang naramdaman ang sakit sa kanang kamay ko na may hawak kanina ng nalaglag na vase. Pagtingin ko ay puno ng dugo pati yung tubo na dinadaluyan ng solution na nakasaksak sa’kin, kulay pula na!

Maya-maya pa’y dumating na ang nurse ko na halatang nagulat pagpasok ng room dahil sa kalat.  Dali-dali niya akong pinahiga at inasikaso. Pinalitan din niya yung swero ko. Nahirapan pa siya dahil hindi mahanap yung ugat sa kamay ko. Infairness, masakit. Kung ibang moment siguro ‘to, kanina pa ako mangiyak-ngiyak sa sakit pero ngayon hindi ko iniinda yung sakit. Galit pa rin kasi ako. Nakakunot pa nga yung noo ko habang inaasikaso ako nung nurse eh. Si Sander naman nasa gilid ko. Hahawakan niya sana yung kaliwang kamay ko pero iniwas ko at tinignan lang siya ng masama. Rapist.

Just MarriedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ