7

203K 1.1K 64
                                    

*******************************************SANDER'S POV*************************************

Hindi ko alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko...

nagiguilty ba ako sa ginawa ko sa kanya? Pero kakaiba kasi siya eh, ang sarap niyang asarin. Ang sarap niyang kasama.

Kinabahan tlaga ako kanina dahil bigla siyang di umimik at umalis na lang bigla kaya sinundan ko siya at natagpuan dito sa isang ice cream parlor. Grabe. Parang bata =.=" Ang weird talaga ng babaeng 'to. Sakto lang pala ang dating ko. Nakakapanibago naman siya. Di siya nagsasalita. At eto kinakabahan ako, di ko alam kung bakit. Naiinis ako sa sarili ko and at the same time, aaminin ko na may kasalanan ako sa nangyari.

Tinignan ko siya, nakatingin lang siya sa bintana. Hindi umiimik pero sa tingin ko di na siya galit.

Parang napakapeaceful niyang tignan habang nakatingin siya sa bintana. Parang napakacalm niya ng tignan. Ang mukha niya parang anghel, parang kapag nakita mo siya... mawawala lahat ng problema mo. Napakainosente niya kung titignan mo. Ang sarap niyang asarin kasi namumula siya pag naasar at ang cute niyang tignan kapag ganun. Her eyes, ang sarap nitong tignan pero parang may emptiness eh, parang may kulang.

And her lips, maswerte ang lalaking unang makakahalik dito. Siguro nga wala pang nakakahalik sa kanya kaya ganoon na lang ang galit niya kanina. 

Pero hindi ko alam kung bakit ako lihim na natuwa nung narealize ko na wala pa talagang nakakahalik sa kanya. Parang gusto ko tuloy siya halikan....sayang yung pagkakataon ko kanina. Dapat pala tinuloy ko na...

No! Erase! Erase! anong iniisip mo sander? hindi mo siya kilala! Si ysa pa rin ang mahal mo! Siya lang remember? Focus!

pinapakinggan ko siya habang nagsasalita siya. Wala na pala siyang magulang. I felt bad for her at sa ginawa ko sa kaniya. Nakikita ko sa mukha niya ang determination para magtagumpay sa buhay. Para tuloy akong naguilty. Kainis naman oh! I shouldn't feel this way. Pero mahirap siya? Talaga? Eh ang apelyido niya pangmayaman eh. Santinel. Narinig ko na yun eh. Hindi ko lang matandaan.

 Mukhang di ko na siya mapipilit sa contract pero hindi ko siya pipigilan. Ako naman ang nagkamali eh kaya kung ayaw niya talaga, wala akong magagawa. Pero I want to help her in her masteral pumayag man siya o hindi. Yan ang plano ko matuloy man ang contract o wala.

" Wag kang mag-alala, may isa akong salita. Kahit aksidente lang ang pag-oo ko, dahil sinabi ko yun...obligado akong tanggaping ang consequences ng ginawa ko.

Pumapayag na ako.Pero pakiexplain muna sa akin yung contract pwede?" Sabi niya.

Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon