46.1

97.6K 1.5K 662
                                    

********************************SANDER'S POV*****************************

"Hoy, gumising ka na diyan!" dinig kong sabi ni ate Xeena.

"Hmmm...." tanging sabi ko at sinubsob ko pa lalo ang mukha ko sa unan.

"Gumising ka na sinabing tukmol ka eh!" malakas na sabi ni Ate Xeena sabay palo sa akin ng unan.

"Sh!t Aray! pucha bakit ba?!" inis kong sabi habang nakahiga at nakatingin kay ate Xeena na nakapamewang sa harap ko.

"Ayaw mo pa kasing gumising, si Sammy nasa baba!"

"Oh ano naman--ANO?!"

"Si Samantha nasa baba, bingi?"

"Sh!t" napabalikwas agad ako ng bangon at dali-daling pumunta sa banyo para magtoothbrush at mag-ayos. Narinig ko pa ang tawa ni Ate Xeena habang papalabas ng pinto.

Shit talaga. Bakit siya nandito? Isa pang shit. Yung mukha ko mukhang shit! Naghilamos lang ako at dali-daling nagsuot ng maayos na tshirt. Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko si Sammy na tinitignan yung mga photo frame sa may sala.

"Ehem." tikhim ko.

Medyo nagulat siya at napatingin agad sa akin.

"S-Sander." di ko alam kung nauutal siya dahil sa kaba o kung ano pa man pero yung mukha ni Sammy hindi ko maipinta. Syempre maganda pa rin siya...sinabi ko bang maganda siya? Nevermind. Basta parang wala naman masyadong nagbago sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" pormal kong tanong at lumakad papalapit sa kanya.

"Ah eh kasi...ano kasi...dinala ako dito nila Ate Xeena at Kuya Kyzer...kasi ano...ano kasi...--

"Sander!" naputol ang sasabihin dapat ni Sammy ng biglang tinawag ako ni Ate Xeena, kasama niya si Kai. Kumunot ang noo ko ng nakita kong lumapit sa akin si Ate Xeena na may hawak na phone.

"Tita Risha." sabi niya sabay wagayway ng phone sa harap ko. Kinuha ko naman ito at nag-excuse sa kanila para kausapin si Mama. Lumabas muna ako sa may garden para sagutin yung phone.

Bakit kaya napatawag si Mama?

"Hello Ma?"

"Sander anak, Happy Happy Birthday baby!" masayang bati ni Mama.

Birthday? Napapasok agad ako sa may kitchen at tinignan kung anong date ngayon sa electronic clock.

August 04. Ooooh....birthday ko nga ngayon! Grabe...ganun ba ako kawala sa sarili ko nitong mga nakaraang araw or probably linggo at nakalimutan ko na kung anong petsa ngayon? Fvck. I'm so screwed.

"baby? Are you still there?"

Oh Sht. Kausap ko nga pala si mama, takte lutang na lutang ako.

"Yes ma. Sorry, medyo stress lang talaga...uhmmma anyway, thanks ma!"

"Haaayy Sander, baka naman napapabayaan mo na ang sarili mo? Si Sammy asan? Kamusta na kayong dalawa?" sunod-sunod na tanong ni mama.

Napapabayaan ko na nga ba ang sarili ko? Tsaka si Sammy? Kamusta na nga ba kami? Teka teka, kelan pa nga ba nagkaroon ng kami? Well, asawa ko siya so may "kami" nga siguro, but in  the other sense of the word.

"Hindi naman ma....ayos lang naman po kami ni Sam." pagsisinungaling ko dahil ang totoo di kami ok. Walang kahit na anong bagay na OK ngayon. Maski ako hindi ok sa sa sarili ko at sa mga nangyayari.

Just MarriedWhere stories live. Discover now