Chapter 9

1.2K 43 15
                                    

PREVIOUSLY on ONE LOVE, TWO HEARTS: Sa pagkamatay ni Aldrin, kinailangan naman ni Andre ang isang operation para mabuhay. Natanggap niya ang donated heart na galing kay Aldrin, at idinikit ito sa original heart niya. Dalawa na ang puso ni Andre. Kinailangan din ni Ginny at Harry na umalis papuntang Chicago para makapag-move on. Ang sabi ni Ginny, halos ilang buwan lang daw siyang mawawala. Ibinilin pa ni Ginny si Andre sa best friend nitong si Bianca. Pero iba ang nangyari...

Chapter 9

A Fresh Start

August 2014

Sa isang empty classroom, nakatulala lang si Andre habang nasa teacher’s table. Wearing a light blue long-sleeved polo and gray slacks, matiyaga siyang pumasok nang maaga para i-prepare ang kanyang lesson for the day. Makalipas ang tatlong taon, he is now a 20 year-old Accounting instructor to first year students. Fresh graduate pa lang pero dahil nangangailangan na rin ang college ng bagong instructors, agad na rin siyang kinuha dahil isa na naman siyang Certified Public Accountant. Marami nang nangyari sa buhay ng binata matapos siyang maoperahan sa puso. Sa pagharap ng binata sa kanyang laptop, pilit itong ngumingiti sa ka-chat sa Skype… isang dalagang milya-milya ang layo sa kanya ngayon… si Ginny. Marami na rin ang nagbago, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Ginny sa Pilipinas.

“I miss you so much, cutie pie.”, nagpapa-cute na sabi ni Ginny sabay kiss sa screen. Natatawa na lang si Andre habang pinapanood ang kanyang girlfriend. 20 years old na rin ang dalaga, earning a management degree from University of Chicago. Hinihintay na lang niya ang go signal ng kanyang ama para makapagtrabaho sa kanilang kumpanya.

“Na-miss mo ba talaga ako?”, napapabuntong-hininga na pagkasabi ni Andre. Agad namang nakahalata ang dalaga sa nagbabagong mood ng binata kaya sineryoso na ulit niya ang pakikipag-usap.

“Hey, are you okay? Parang ‘di ka masaya na magkausap tayo right now. Magsa-start na ba ang klase mo?”, worried na pagtatanong ni Ginny.

“I’m okay. Natatagalan lang kasi ako sa pag-uwi mo. Sabi mo dati… 3 months. Eh 3 years na kaya ang lumipas. Ni ‘di ka man lang nagbakasyon dito.”, pagbubuga ni Andre ng sama ng loob.

“Just be patient pa. Malay mo, bukas… or next week… andyan na ‘ko.”, natatawang sabi ni Ginny.

“Ginny, hindi ako nagbibiro.”, firm na sabi ni Andre.

“Yes, I know. Alam ko’ng mahirap sa ‘yo ‘tong long distance relationship natin, pero wait ka lang. ‘Di ba nga, sabi nila, absence makes the heart grow fonder? Kaya I’m sure, ‘pag umuwi na ako d’yan, you’ll hug me so tight and kiss me like there’s no tomorrow.”, nakangiting sabi ni Ginny.

Speechless pa rin si Andre. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman pero he seems to be getting tired of the relationship. Matagal-tagal din siyang naghintay, pero puro pangako lang ang naririnig niya kay Ginny. But at the end of day, he reassures himself that he still loves his girlfriend. 

“Right, cutie pie? Um-oo ka naman.”, pakiusap ni Ginny. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 22, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Love, Two Hearts (ON-HOLD)Where stories live. Discover now