Chapter 1

7.8K 77 17
                                    

ONE LOVE, TWO HEARTS

A novel by Patrick Louie Ilagan

Chapter 1

The Girl I Love

I may have two hearts, but now I have decided to love the girl I truly cherish… the girl I have chosen to be with for the rest of my life. She is my girl… my beloved.

ANDRE

February 2015

“You only have a week before your crucial heart surgery.”, sabi sa akin ng doktor. Paulit-ulit kong naririnig ang boses niya habang nagbi-bike ako sa kahabaan ng breakwater… hawak ang isang love letter para sa babaeng mahal ko… isang message in a bottle na itatapon ko sa dagat. Kinakabahan ako. Pangalawang beses na akong ooperahan kaya mas maliit na raw ang chance na mabuhay pa ako.

Ako si Andre. 21 years old. Ang lalaking may dalawang puso. Mahirap paniwalaan, pero magkadikit na puso ang tumitibok sa dibdib ko. Pantay akong nagmahal ng dalawang babae, pero kinailangan kong mamili, kung sino talaga sa kanila ang gusto kong makasama. Ang hiling ko lang, sana, makita ko siya bago pa man ako tuluyang mawala sa mundong ‘to. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya natatagpuan, mula nu’ng lumubog ang barkong sinasakyan niya. Sana, naaalala niya pa rin ako. Sana, maiangkas at maisakay ko ulit siya sa bike ko, gaya ng dati… apat na taon na ang nakalilipas. 

**********************

February 2011

Isa na namang maingay at magulong araw ang matatapos sa Port Riviera, ang pangunahing sea terminal ng mga pasahero at cargo sa buong Luzon, na matatagpuan malapit sa lalawigan ng Batangas. Karaniwang tanawin na sa terminal ang mga nagkukumpulang jeep at tricycle, mga naglalakihang trucks na maraming dalang packages, mga porters na handang tumulong sa mga nabibigatan sa kanilang dala, at ang maliliit na mga kainan at tindahan para sa lahat ng klase ng tao. Sa likod ng mismong terminal building ay natatanaw ang bahagi ng Batangas Bay, at ang mga naka-dock na malalaking barko at yate. Completing the backdrop is the bay’s golden sunset. 

Kasabay ng mga naghihintay at naglalakad na mga pasahero ay ang isang binata at isang dalaga. Riding in their vintage-looking red bicycles, halos magkabanggan na sila sa pagkukulitan at sa pag-aasaran. 

“Sige na, please! Tulungan mo na ‘ko kay Denise!”, sabi ng isang binatang naka-white polo shirt at black slacks. Panay ang hila niya sa braso ng dalaga. Kita sa itsura niyang humihingi na naman siya ng pabor sa kanyang best friend.

Siya si David Andre Hernandez, o Andre, gaya ng karaniwang tawag sa kanya. He is 17 years old. Matangkad bilang 5’9” ang kanyang height, tisoy, at may itsura, pero simple lang siyang manamit at umasta. He has this boyish charm na kanyang ginagamit when he wants to meet and date girls. 

“Ayoko nga!”, nababanas na sabi ng dalagang naka-ponytail, white polo blouse, blue bowtie, at blue skirt. Sa bawat hawak sa kanya ng binata ay agad naman niya itong pinapalag. “Tapos ano, kukulitin mo na naman? Ako na naman mapapahiya niyan eh. Wala na akong mukhang maihaharap!” 

One Love, Two Hearts (ON-HOLD)Where stories live. Discover now