Chapter 7

832 36 16
                                    

Chapter 7

Sometimes When It Hurts

“Hanggang dito na lang po kayo.”, firm na sabi ng doktor kina Bianca, Ginny, at Harry nang makarating na sina Andre at Aldrin sa emergency room. Gamit ang stretchers, ipinuwesto ang mga binatang walang malay sa magkatabing cubicles. Agad na sinara ng mga nurses ang kurtina para ‘di na sila maabala. 

Dahil wala na silang magawa, lumabas na lang sina Bianca, Ginny, at Harry. Kitang-kita pa rin ang shock at disbelief ng tatlo sa mga nangyayari, habang nakasuot pa rin sila ng party wear. Tulala at naluluha si Bianca dahil alam niyang nasa peligro na naman ang buhay ng kanyang best friend. Malakas ang pag-iyak ni Ginny dahil labis siyang kinakabahan sa kalagayan ng kanyang kapatid na si Aldrin. She seems so weak and vulnerable at this moment. Mabuti na lang at nariyan si Harry para yakapin ang dalagang anak. 

“Daddy, I don’t want to lose Kuya!!!”, malakas na pag-iyak ni Ginny habang nakayakap pa rin kay Harry.

Kahit may dinadala ring kalungkutan si Bianca, naawa pa rin siya kay Ginny. Kapatid nito ang nasa panganib, at nakikita niyang sobrang close ng dalawa, kaya naiintindihan niya ang pinagdaraanan nito.

“No, sweetie. Aldrin will fight for his life.” Kahit pilit na pinipigil ni Harry ang kanyang mga luha, pumapatak pa rin ito habang agad niya itong pinupunasan ng panyo. Masakit din para sa isang ama ang makitang nasa panganib ang buhay ng anak. 

“Bianca?!” Sa kabila ng mga pag-iyak, isang pamilyar na boses ang narinig ni Bianca. 

Paglingon ng dalaga, agad niyang nakita si Alex na naglalakad nang mabilis, kasunod ang asawang si Camille. Kita sa mukha nila ang labis na kaba at pag-aalala sa kalagayan ni Andre. 

“Tito… Tita…” Halos hindi na makapagsalita si Bianca sa sobrang lungkot at pag-aalala.

“Asan na si Andre?”, tanong ni Alex, sabay tanong din ni Camille ng “Asan ang anak namin?”

Napalunok na lang si Bianca habang patuloy pa ring umiiyak. Dahan-dahan niyang itinuro ang emergency room, bilang pagsagot sa tanong sa kanya. She looked at Alex and Camille’s eyes, and on the spur of the moment, she swiftly hugged Alex. The young lady kept on crying and crying.

Napayakap na lang din si Alex na parang anak niya na rin si Bianca. Naging lutang naman si Camille habang nakatitig sa emergency room. As she sheds a tear, agad siyang nagwalk-out at tumakbo papunta sa isang corridor.

“Camille!”, sigaw ni Alex habang nakatingin sa umalis na babae. Sa tingin pa lang ng lalaki ay alam na niya kung saan pupunta ang kanyang asawa.

**********************

Tama nga ang hinala ni Alex. Sa kanyang paglalakad, natagpuan niya si Camille sa hospital chapel, nakaluhod at nagdarasal. Dahan-dahang nilapitan ni Alex ang asawa, na patuloy ang pagtulo ng luha habang nakapisil ang mga daliri sa beads ng rosaryo; bumubuka ang bibig at bumubulong sa Diyos. 

One Love, Two Hearts (ON-HOLD)Where stories live. Discover now