Chapter 4

849 35 10
                                    

Chapter 4

Unrequited Feelings

Kasama ang ka-date na si Ginny, masayang pumasok si Andre sa Papi Cholo Cafe, isang 1980s-themed diner kung saan maraming estudyante ang kumakain at tumatambay. Bukod sa fastfood-style menu, isa rin ang pagpapatugtog ng mga ‘80s pop and rock songs sa mga features ng nasabing cafe. Isa-isa ring nakapaskil ang mga ‘80s movie posters sa paligid ng diner. 

“Welcome to Papi Cholo Cafe.”, nakangiting sabi ni Andre sabay pakita kay Ginny ng establishment. Patingin-tingin lang si Ginny habang nakangiti rin sa binata. As the boy gets them a soft, sofa-style cushiony seat, maya-maya lang ay lumapit na sa kanila si Papi Cholo, ang 55-year old owner ng cafe. He’s the big man in the house. Mula sa isang simpleng burger stand noong 1985 ay napalago niya ang negosyo kaya hanggang ngayon ay standing strong pa rin ang cafe na naging landmark na ng mga kabataan for the last 30 years. 

“What’s your order, kids?”, nakangiting sabi ni Papi Cholo sabay tapik sa balikat ni Andre, sumesenyas at nagtatanong kung sino ang babaeng kasama. Kinuha na ni Andre ang menu mula kay Papi Cholo habang namumula ang kanyang pisngi sa hiya.

“Nga pala, Papi, si Ginny… bagong kaibigan ko.”, pakilala ni Andre sa dalaga. Pleasant naman si Ginny at nag-Hi sa matandang owner. 

“Hello! Andre told me so much about this place… so… ngayon matitikman ko kung masarap talaga ‘yung food dito.”, nakangiting sabi ni Ginny kay Papi Cholo.

“Aba, oo! Masarap dito! Burgers, shakes, fries, coffee, juice, sodas… name it!”, proud na sabi ni Papi Cholo sabay abot din ng menu kay Ginny. Sinimulan nang basahin ng dalaga ang mga pagpipilian.

“Ako, cheeseburger, saka chocolate milk shake!”, mabilis na pag-order ni Andre habang hinihintay ang sagot ni Ginny. Maya-maya lang ay nagsalita na rin ang dalaga ng “I’ll have this shrimp sandwich, tapos strawberry milk shake!” sabay sara ng menu. Napangiti si Andre nang may naalala sa sinabi ni Ginny. Iyon din kasi ang favorite ni Bianca na flavor ng milk shake.

Umalis na sa harap nila ang may-ari para ipaluto na ang mga order sa 17 year-old assistant at pamangkin niyang si Jako. Naghahagikhikan lang sina Papi Cholo at Jako sa may counter habang pinagbubulungan ang magka-date.

“Lover boy talaga ‘tong batang to!”, natutuwang sabi ni Papi Cholo habang tinutukoy si Andre. Napapailing lang si Jako sabay sabi ng “Eh ang tanong, alam ba ’to ni Bianca? Tsk tsk tsk. Kawawang Bianca.” Napaisip tuloy ang matandang may-ari sabay kamot sa ulo.

Ilang segundo na ang lumipas matapos silang makapag-order pero ramdam pa rin ang pagiging awkward nina Andre at Ginny sa isa’t-isa. Gandang-ganda si Andre sa ka-date niyang dalaga. Sa wakas ay makikilala na rin niya nang husto ang mestiza chinita. This is a dream come true for him. Pero hindi niya maiwasang matememe dahil ngayon lang ulit siya makikipag-date kasama ang ibang babae maliban kay Bianca. 

“Are you shy ba talaga?”, biglang tanong ni Ginny as an ice breaker. 

“Ah… hindi… ahh… medyo… ewan. Hehehe”, nagstu-stutter na pagsagot ni Andre. Unti-unti na namang kumakabog ang kanyang dibdib sa kaba. Bigla niya tuloy kinuha ang kanyang panyo para punasan ang tumutulong pawis sa ulo. 

One Love, Two Hearts (ON-HOLD)Where stories live. Discover now