Chapter 6

990 37 14
                                    

Chapter 6

The Party They’ll Never Forget

“Welcome to our humble home.”, Aldrin smiles as he slowly escorts Bianca into the Lopez mansion. This will be the guy’s first time to bring a girl into their provincial home. Kailangan niya kasing paayusan ang dalaga sa kanilang in-house make-up artist para naman maging maganda at presentable ang itsura nito ‘pag umattend sila sa party ni Ginny mamayang gabi. Ilang oras na lang at aattend na sila sa event.

Manghang-mangha si Bianca pagkapasok lang ng sala. Hindi siya makapaniwalang napasok at nakita na niya ang loob ng pinakamalaki at pinakamagandang mansyon sa lalawigan ng Batangas. Habang hawak ang kanyang bag, unti-unti niyang inikot ang kanyang paningin sa mga paintings, structures, at luxury furniture na naka-pwesto. Napangiti na lang si Aldrin habang pinagmamasdan ang mukha ng dalaga.

“Graaabe! Para akong nasa palasyo! Mas maganda pa ‘yata ‘to sa Malacanang!”, amazed na pagkasabi ni Bianca habang yakap na ang kanyang bag. 

“Ang lambot pa ng carpet niyo. Pwede nang tulugan ‘yan eh!”, natatawang pahabol ni Bianca, sabay sabi ng “Ganito pala talaga ‘pag mayaman. Kami kasi, maliit lang ang bahay namin.”

“Thanks for the compliment, pero wala sa bahay ‘yan.”, nakangiting sagot ni Aldrin sabay akbay sa balikat ni Bianca. Hindi na napansin ng dalaga ang simpleng pag-akbay at nag-focus na lang siya sa sinasabi ng binata. She’s all ears.

“Ang importante, ‘yung mga taong nakatira… kung nagmamahalan… kung masaya sila. Ako nga, when I have my own family, gusto ko simple lang. Hindi ko kailangan ng mansyon. All I need is a simple but nice house na tama lang sa ‘min ng magiging asawa ko, at sa mga magiging anak namin.”, pahabol pa ni Aldrin kay Bianca habang unti-unti nang nagiging close ang katawan nila sa isa’t-isa.

Unti-unti na ring nararamdaman ni Bianca ang warmth at sincerity ni Aldrin as a person. Sa mga sinabi ng binata, halatang well-educated at well-raised ito dahil kahit rich kid ay hindi siya spoiled at matapobre. Aminin man ni Bianca o hindi, sa pagdaan ng mga araw ay lalo pa siyang humahanga kay Aldrin. As she continues to look at the guy’s chiseled face, she now finds him so dreamy. Parang pinaghalong Zac Efron at Gerald Anderson kung titingnan ng dalaga. Bigla tuloy sumagi sa isip niya na pwedeng crush na niya ang binata, pero mabilis din niyang inayawan ang idea na ‘yun.

“A… a… ako rin naman. Simpleng buhay lang ang gusto ko. Basta kasama ‘yung lalaking mahal ko. Bahala na kung ilang anak ang ibibigay sa ‘min.”, biglang kabig ni Bianca, sabay iwas ng tingin kay Aldrin para lang matigil ang pagtitig niya sa binata. 

Sa sagot ni Bianca, hindi naman napigilan ni Aldrin ang pasimpleng pagbulong ng “Kung tayo na lang kaya?” habang nakatingin pa rin sa clueless na dalaga.

“A… ano ‘yun?”, nagtatakang sabi ni Bianca.

“Sabi ko… tayo na. Tayo na… sa dressing room. Kailangan mo nang maayusan. We’re running out of time.”, nakangiting sagot ni Aldrin sabay tingin sa kanyang mamahaling silver watch.

“Tama. Tara na. Si Ginny ba, tapos na maayusan?”, nagmamadali ring sabi ni Bianca.

One Love, Two Hearts (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon