Chapter 2

1.5K 39 7
                                    

Chapter 2

Love Letter In A Bottle

“My angel…” Andre is really smitten. Nawala lahat ang nararamdaman niyang sakit mula sa pagkakahulog nang makita niya ang magandang mukha ni Ginny. Sa isip ng tisoy na binata, buo na ang sentence na makakapag-describe sa kanyang nararamdaman towards her… She’s the one!

Without help, magaan nang nakatayo si Andre habang pinapagpag ang kanyang uniform mula sa alikabok. As he flashes his boyish smile, he suddenly extends his right hand to Ginny and says…

“I’m Andre. Nice to meet you.” Halata sa mukha ni Andre ang pagkahumaling. Agad ding tinanggap ni Ginny ang kamay ng binata, and as they shake hands, kita naman sa itsura ni Bianca ang pagseselos. 

“Naku, Andre, tara na! Male-late na tayo!”, biglang pagpigil ni Bianca sa matamis na tinginan nina Andre at Ginny. “Mukhang okay ka na naman eh. Tara na!”, pahabol pa nitong sabi sabay hila sa braso ng binata. Kita naman sa mukha ng binata na ayaw pa nitong umalis. 

“No worries! Kung okay na si Andre, at ayaw niyo nang magpa-ospital… at least… we could drive you to school.”, nakangiting offer ni Aldrin, sabay tingin sa school badge ni Bianca sa blouse, at may pahabol ng “Kasi, actually… d’yan din kami papunta. New enrollees kami for next school year. Ako, incoming 4th year… tapos si Ginny, 2nd year. Business Ad.”

“By the way, I’m Aldrin Lopez. Nice to meet you, guys!”, the boy says with glee, as he shakes hands with Andre and Bianca. Pero halatang mas nagtagal ang kanyang kamay kay Bianca. Wala si Bianca sa mood for pleasantries, pero hindi niya rin napigilang mapangiti dahil pleasant naman talaga ang itsura ni Aldrin.

“Uy! Business Ad din kami! Batchmates pala tayo, Ginny, eh!”, natutuwang sabi ni Andre, to which Ginny replies “OMG! What a coincidence! Maybe you could tour us around when we get there!”

“Yes! I’d be… happy… to… tour you around.”, pa-kwelang sabi ni Andre kahit nagbu-buckle siya sa kanyang pagsasalita in English. Napapa-irap na lang si Bianca.

“Eh pa’no ‘yan? May dala kaming mga bisikleta. ‘Di naman namin ‘to basta basta maiiwan, ‘di ba?”, patay malisyang sabi ni Bianca. Ayaw niya talagang sumabay sa sasakyan nina Aldrin at Ginny.

“Shucks, oo nga!” Na-realize ni Aldrin ang sinabi ni Bianca. Napakamot ito sa ulo, pero agad naman itong ngumiti, directly at Bianca. “Nakalimutan ko’ng dalhin ‘yung pantali sa bike, para mailagay ko sana sa—”

“Eh ‘di sundan niyo na lang ‘yung mga bisikleta namin ni Bianky!” Hindi pa man tapos si Aldrin sa pagsasalita ay agad na nag-suggest si Andre, sabay pahabol ng “Para ‘di na rin kayo maligaw. Convoy kumbaga. ‘Di ba, Bianky?” at tingin sa kanyang best friend na si Bianca. Dahil ipit sa sitwasyon, wala na ring magawa ang dalaga kaya napa-Oo na lang siya sa gusto ni Andre.

**********************

Mabilis na nakarating ang apat sa university dahil malapit na rin naman sila mula sa pinanggalingan. Pagka-park ng sasakyan ni Aldrin, at pagkababa nilang magkapatid, ay agad na napangiti si Andre, na hawak pa rin ang kanyang bike gamit ang kaliwang kamay. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay to present the main building.

One Love, Two Hearts (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon