Chapter 5

898 35 18
                                    

Chapter 5

Sudden Truth

Ilang segundo na ang lumipas, pero halos hindi na kumukurap ang mga mata ni Andre. Nanlalaki pa rin ito kasabay ng kanyang pagtataka sa mga huling sinabi ng kanyang best friend na si Bianca. Pareho silang natahimik, at natulala. Maski si Bianca ay hindi makapaniwalang nasabi niyang bigla ang nararamdaman para sa binata. Pilit itong yumuyuko sa kahihiyan. 

“A… ano ‘yun? Ano’ng ibig sabihin nu’n?”, puzzled pa ring tanong ni Andre. Unti-unti siyang lumapit kay Bianca, at sa muling paglalapit ng kanilang mga mukha, hindi na kilig ang nararamdaman ng dalaga… kundi hiya, at takot na baka ito na ang katapusan ng kanilang pagkakaibigan.

“Mahal kita… hindi lang bilang kaibigan.”, mahinang pagkasabi ni Bianca sabay yuko para makaiwas sa mga tingin ni Andre. “Bata pa lang tayo, crush na kita. Hindi ko alam kung sadyang manhid ka, kasi ‘di mo talaga nahahalata.”

“S…sorry, sorry hindi ko alam.”, apologetic na sabi ni Andre. Nanginginig na ang kanyang katawan dahil sa kaba. Nararamdaman na rin niya ang bigat ng hawak niyang cake. “Akala ko kasi… kasi naman… okay ka kapag nagpapatulong ako sa mga babae. Wala kang reklamo… wala kang—“

“Ginawa ko ang lahat ng ‘yun dahil sa pagmamahal ko sa ‘yo!”, sagot ni Bianca. “Hindi mo alam kung gaano kasakit sa ‘kin kapag may bago kang crush. Kasi gusto ko, ako naman ‘yung makita mo. Gusto ko, ako naman ‘yung mahalin mo. Pero siyempre hindi naman kita mapilit!”, naiiyak nang pahabol ng dalaga.

Napapailing na lang si Andre. He is overwhelmed with what Bianca is saying. Gusto man niyang ayusin ang problema sa mabilis na paraan ay hindi niya kakayanin, lalo na’t emosyon at nararamdaman ng kaibigan ang nakasalalay.

“Mahal din naman kita, Bianca.” Andre speaks as he tries to smile even if the situation is awkward and strange. Tumigil muna ang dalaga sa kasasalita. Now, she waits for her best friend’s next set of words.

“I love you… as my best friend.”, honest na pagsagot ni Andre while still trying to flash a smile. Muling napatingin si Bianca sa malayo. Ngayon pa lang ay alam na ng dalaga na tapos na ang kanyang pangarap at pag-asa.

“Sorry, pero… si Ginny talaga ang gusto ko. Si Ginny ang mahal ko.”

Bianca looks up as her pure and innocent tears fall down from her eyes. She bites her lip to resist the pain she’s feeling. Medyo nanginginig na ang kanyang katawan habang pinipigil ang bawat hikbi. 

“So ngayon tatanggapin ko’ng hanggang ganito na lang talaga ang papel ko sa buhay mo… ang maging best friend!”, naiiyak na sabi ng dalaga.

Unti-unti siyang tumingin sa mga mata ng binata, at pababa sa cake na hawak nito. Dahan-dahan niyang kinuha ang cake mula kay Andre, at sa isang iglap lang ay ibinato niya ito sa mukha ng tisoy na binata. Nagulat si Andre. Halos natakpan na ng ube icing ang kanyang mga mata habang nakikita ang pagsasara ni Bianca ng pinto. Naiwan ang binata sa labas ng bahay nang may cake sa mukha. He is feeling down and guilty. Dagdag pa rito ay ang bumibilis na namang pagtibok ng kanyang puso. 

One Love, Two Hearts (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon