Chapter 3

1K 39 11
                                    

Chapter 3

The Birthday Gift

“Happy birthday!!!” Ito ang mga salitang bumungad kay Bianca paglabas niya sa front garden. Kasabay ng magandang sunrise ay ang matatamis na ngiti mula sa kanyang ina na si Pauline, at sa kanyang nakababatang pinsan. Suot ang bagong uniform, masayang yumakap ang dalaga sa mga mahal sa buhay. 

“Thank you sa inyo!”, masayang pasasalamat ni Bianca. Ngayong araw kasi ang kanyang 17th birthday. Agad niyang tinanggap ang halik ng kanyang ina, habang ipinapakita sa kanya ang bike nitong bagong linis. Nanlaki ang mga mata ng dalaga pagkakitang makintab ito at parang bago.

“Akala mo, Ate, bumili kami ng bago, ano? Tumulong ako kay Tita sa paglinis!”, proud na pagkasabi ng nakababatang pinsan na si Dido, isang 13 year-old high school student. Kahit binatilyo pa lang ay excited na siyang magbinata. Kitang-kita ito sa kanyang ayos na laging naka-cap at polo. Panay din ang kanyang pa-pogi. Dahil wala nang mga magulang, dito na siya inihabilin, kaya para na rin siyang kapatid ni Bianca. 

“Mabuti naman, para may iba ka namang pinagkakaabalahan maliban sa DOTA!”, natatawang pagsita ni Bianca sa kanyang pinsan. Computer game-addict kasi si Dido, at madalas ay sa computer shop na siya ginagabi. Mabagal kasi ang Internet connection sa bahay ng mga Castro. 

“Ate naman eh!” Nagsisimula nang mahiya si Dido kapag napagsasabihan. Nagkangitian na lang sina Bianca at Pauline habang patuloy na hinahaplos ng ina ang buhok ng kanyang anak.

“Pasensya ka na, ‘nak, ha. ‘Yung paglilinis na lang muna ang regalo namin sa ‘yo.”, nahihiyang sabi ni Pauline, kaya agad namang sumagot si Bianca ng “Ano ka ba, ‘nay? Okay na okay ‘yung ginawa niyo ni Dido!” sabay two thumbs up para ipakita ang kanyang appreciation.

“Iingatan mo lagi ‘yung bike mo ah. Alaga ko rin ‘yan.”, nakangiting sabi ni Pauline, sabay hila sa manibela ng bike para ibigay na ito kay Bianca. 

“Siyempre naman, ‘nay! 10th birthday gift sa ‘kin ‘to ni Tatay. Ito na lang ang alaala ko sa kanya… at kahit wala na siya… pakiramdam ko… magkasama pa rin kami kapag sakay ako ng bike na ‘to.”, nakangiting sabi ni Bianca habang nakatingin sa vintage-looking niyang bike. Hindi niya napigilang maluha habang unti-unting naaalala ang masasayang araw kasama ang Tatay niya — mga panahong tinuturuan pa siya nitong mag-bike, at ang kanilang mga lakwatsa kapag nakaangkas siya sa ama niyang nagpepedal.

“Ay, nako! Aga-aga, nagda-dramarama. Mamayang hapon pa ‘yun ah!”, pabirong sabi ni Pauline sabay punas ng panyo sa mga basang mata ni Bianca. Mula sa pagkakaiyak ay natawa na rin ang dalaga sa biro ng ina tungkol sa mga soap opera sa hapon. 

“Oo nga, Ate! Happy thoughts dapat! Isipin mo ‘pag nagbi-bike ka… ‘yung mga moments niyo ni Kuya Andre! Yieeeeee!”, biglang tukso ni Dido, sabay sundot sa tagiliran ng kanyang pinsan. Sumasakay lang si Pauline sa tawanan at biruan habang namumula na sa hiya si Bianca.

“Dido, marinig ka!” Pinandidilatan na ni Bianca ang binatilyo habang nanggigigil na siya sa pagsita. “Nasa kabilang bahay lang kaya sila.”

“Speaking of… andyan na ‘yung boyfriend mo.”, nakangiting sabi ni Dido sabay nguso pa-kaliwa. Sumesenyas siyang parating na si Andre, kaya mabilis pa sa alas-kwatro ang paglingon ni Bianca. Pero disappointed siya nang malamang pinagti-tripan lang siya ng binatilyo. Wala pa talaga si Andre. Lalong sumama ang itsura ni Bianca habang wagas ang pagtawa ni Dido.

One Love, Two Hearts (ON-HOLD)Where stories live. Discover now