Chapter 8

1K 38 24
                                    

Chapter 8

Tell Me It’s Not Yet Goodbye

I’m sorry, Sir, but Aldrin is dead. He passed away a few minutes ago.

Silence filled the hallway. Paulit-ulit na pumapasok sa pandinig ni Harry ang mga sinabi ng doktor, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagsi-sink-in sa kanyang isip. Maging si Ginny ay hindi makapaniwala. Tulala siya at wala ring masabi. Harry slowly walks away, and struggles while reaching for the hallway seats. Unti-unti nang nanghihina ang kanyang tuhod. He clasped his hands on his face, and after a few seconds, narinig na ang paglakas ng kanyang hikbi, hanggang sa naging pag-iyak at pagngawa na ito. 

“No… no… not my son. No!!! Noooo!!!”, lumalakas ang pag-iyak ni Harry na parang nababaliw na.

Agad na sinuntok ni Harry ang pader ng ospital. Nagwawala na ang mayamang matanda at kita ang panlalaki at panlilisik ng kanyang mga mata. Nakaramdam ng takot ni Ginny na baka may masaktan si Harry kaya agad itong tumabi at yumakap sa ama. 

“Daddy, stop hurting yourself!”, umiiyak na sabi ni Ginny.

“Answer me, Ginny, why did your kuya die? Why…?”, naluluhang pagtatanong ni Harry sa anak. 

“I dunno, Daddy. I was going to ask the same question. Why him? He’s the nicest brother I’ve known kahit lagi ko siyang inaaway.”, humihikbing sabi ni Ginny. Halata na ang tono ng pangungulila sa dalaga kahit kamamatay lang ng kapatid. 

“Napakabait din niyang kaibigan.”, sabi ni Bianca sabay upo katabi ni Ginny. “Kapag kasama mo siya, feeling mo, ikaw ang pinakaimportanteng tao sa buong mundo. Ganu’n siya kabait.”, patuloy na pagsi-share ni Bianca habang tumutulo na rin ang mga luha mula sa kanyang mata.

Sa pagtingin ni Ginny kay Bianca, agad na nag-usap ang kanilang mga matang mugto sa pag-iyak. Ginny suddenly hugged her newfound friend as they both grieve on Aldrin’s death.

“S… sorry for the loss, Sir. Condolence.”, nakikiramay namang sabi ni Alex sa nagluluksa nang si Harry. Kapwa sila malungkot ni Camille kahit hindi sila ang namatayan. Parang bumabalik ang sakit ng pagkawala ni Baby Adam habang nararamdaman nila ang sakit na pinagdaraanan ni Harry. Ang pagkakaiba lang, namatayan na talaga si Harry, samantalang hanggang ngayon ay hindi pa rin alam nina Alex at Camille kung buhay pa, o patay na si Baby Adam.

“Naiintindihan po namin kayo. Kami man… nawalan din ng panganay na anak. Kaya, kung hindi ho kayo okay sa sinabi ng doktor na idikit ang puso ng anak niyo sa puso ni Andre… rerespetuhin ho namin ‘yun.”, nagpapakumbabang pahabol ni Camille kay Harry. Isang tingin lang ang naging sagot ni Harry.

**********************

Makalipas ang ilang araw, nailibing na rin ang mga labi ni Aldrin sa isang payapang sementeryo. Under the peaceful blue sky and in the center of lush, green, and fresh-cut grass, hindi pa rin tuluyang payapa ang kalooban ni Harry. He is slowly moving on from Aldrin’s death. Marami siyang gustong sabihin sa anak, na unfortunately, ay hindi na niya nasabi. Kaya ngayong mag-isa siya at walang nakakakita o nakakarinig sa kanya, sinamantala na niya ang pagkakataon para maiparating sa anak ang kanyang damdamin. 

One Love, Two Hearts (ON-HOLD)Where stories live. Discover now