CHAPTER 3

1.7M 36.6K 11.8K
                                    

CHAPTER 3

TINUNGA ni Lander ang beer na iniinom mula sa bote. Wala siya sa mood gumamit ng shot glass. He wanted to get wasted and to disappear into oblivion where his heart could no longer beat for that person. Pero kahit yata laklakin niya ang lahat ng alak sa mini-bar niya, hindi mawawala at aalis ang babaeng 'yon dito sa Pilipinas.

Naputol ang pag-iisip niya ng marinig na nag-ingay ang cellphone niya. Nasa ibabaw ng kama niya iyon kaya naman kailangan pa niyang maglakad patungong roon para masagot lang ang tawag. Nang makarating sa kama niya, umupo siya sa gilid no'n saka sinagot ang tawag.

"Hey, Lander speaking," aniya sa walang buhay ang boses.

"Lander!" Puno ng kasiyahan ang boses ni Zel sa kabilang linya. "Si Lancelott! Si Lancelott, gumalaw yung kamay niya! Sabi ng Doctor nagri-respond daw siya sa medesina at gagaling daw siya!"

Nawala ang kaunting kalasingan na naramdaman niya kanina at napalitan ng kasiyahan.

"Talaga? Sige, pupunta ako riyan." Excited na wika niya at pinatay ang tawag.

Nagmamadali siyang lumabas sa private chamber ng opisina niya at nagtungo sa parking lot ng LaCars kung saan naroon ang Audi niya.

Nang makasakay sa kotse niya, pinaharurot niya iyon patungo sa Romero's Hospital kung saan naroon ang kakambal niya. Masaya siya at kahit papaano ay nagri-react na ang kakambal niya. Salamat sa diyos.

Nang makarating siya sa hospital, kaagad siyang nagtungo sa ICU. Sinalubong siya ni Eizel sa may pintuan at niyakap siya ng mahigpit habang umiiyak.

"Lander... si Lancelott... magiging okay na siya..." Umiiyak ito pero alam niyang tears of joy 'yon. "Salamat sa diyos. Hindi ko kayang mawala siya."

Niyakap niya si Zel at hinagod ang likod nito. "It's okay. Magiging maayos din si Lance. Hintay lang ng kaunti. Hindi tayo titigil hangga't hindi natin nakikita ang kakambal ko na ngumiti ulit. He deserves to live." Hinaplos niya ang buhok nito. "Tahan na. Magiging maayos din ang lahat."

Nag-angat ng tingin sa kaniya si Eizel. "Thank you, Lander."

Nginitian niya ito. "No problem."

Bumitaw na ito sa pagkakayakap sa kanya at iginiya niya papasok sa loob ng ICU.

NAKASIMANGOT si Vienna habang pinagmamaneho siya ng hilaw niyang kapatid patungo sa main branch ng Romero's Hospital. Panay ang tingin nito sa may pasa niyang mukha at naiirita na siya.

"Huwag ka ngang tumingin sa akin ng ganiyan!" Sigaw niya na naiinis.

Napangiwi ang hilaw niyang kapatid. "Nakikita mo ba ang mukha mo? God, little sis, you look like shit."

Inirapan niya ito. "Kung ang mata ko ay nakahiwalay sa mukha ko, sobrang laki ng posibilidan na makita ko ang mukha ko"

"Stop being sarcastic, Vienna," ani Cali sa naiinis na boses. "You really look like shit."

"Thank you for boosting my confidence, dear brother." Puno ng sarkasmo ang boses niya.

Umikot ang mga mata ng hilaw niyang kapatid. "Pwede ba, Vienna, I'm just trying to be nice."

Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. "Sorry. I'm just used to sarcasm. I grow up with my dad, remember?"

"Alam ko," anito. "Kumusta na pala kayo ni mommy?"

Inungusan niya ito. "Kung maka-mommy ka naman parang tunay mong ina, no?"

Tinapunan siya ng masamang tingin ni Cali. "Stop the sarcasm, remember?"

POSSESSIVE 4: Lander StormWhere stories live. Discover now