CHAPTER 16

1.5M 32.6K 5K
                                    

CHAPTER 16

ABO'T-ABO'T ang kaba ni Vienna habang nakaupo sa harap ng lamesa ng director ng ahensiyang pinagta-trabahoan niya. Ito ang boss niya. Pinatawag siya nito pagkalapag na pagkalapag ng eroplanong sinakyan nito mula London patungo sa Pilipinas at pinapunta sa headquarters nila na naka-base dito sa lungsod.

"Do you know why you're here?" Tanong ng boss niya sa kanya habang matiim na nakatingin sa kanya na para binabasa ang nilalaman ng isip niya.

Tumango siya. Alam niyang nakarating na rito ang balita na may nakakita sa kanya habang pinoprotektahan ang sarili laban sa mg lalaking 'yon na napag-alaman niya mula kay Hellion na ipinadala ni Lamar Exxon para iligpit siya.

"I'm here because of Lander Storm," sagot niya. "He saw me killed those men."

Tumango-tango ang director. "What do you suggest we do, Agent Light? What do you think is the best possible way to solve this matter?"

"You can punish me for my incompetence, sir. Just please, don't hurt him," pagmamakaawa niya. "I'll do anything. Please, don't hurt him. It was my fault. Not his. I'll take all the responsibility."

Sa halip sa sumagot, tumayo ang Director at lumapit sa malaking computer monitor na nasa may bandang kanan ng opisina nito at nakakabit sa dingding.

Pinindot ng director ang malapad na screen ng computer at bigla iyong nabuhay at nagliwanag. Humingi iyon ng finger print kaya naman inilapat ng director ang palad nito sa screen at kaagad na ini-scan iyon ng computer. Pagkalipas ng ilang momento, abala na ang director sa pag pindo ng monitor. Kapagkuwan ay tumigil ito ng may lumabas na larawan ni Lander sa monitor.

Inatake ng kaba ang puso niya. Panay ang dasal niya na sana wala itong gawin kay Lander. Bakit naman kasi hindi siya nag-ingat? She compromisesd Lander's safety!

"I have a mission for you," anang director at tumingin sa kanya.

"But I already have a mission—"

The director's eyes narrowed at her. "New mission. No buts."

Napipilitang tumango siya. "Okay."

"Good." Tinuro nito ang larawan ni Lander. "Lamar Exxon now knows your relationship with Lander Storm. Mr. Storm's life is now in danger. I receive an information that Mr. Exxon is not only planning to steal all the cars of LaCars Import & Export, he is alsogoing to end the existence of Mr. Storm. Mr. Exxon thinks that you might have spilled some information to Mr. Strom regarding Mr. Exxon's illegal activities."

"But I didn't," nag-aalala na talaga siya ng sobra kay Lander. Lalo na't wala ito sa tabi niya ngayon ay nasa bahay lang nito.

"I know that you didn't. Therefore, your new mission is to protect Lander Storm and his assets."

Napamulagat siya. "What? I can't." Mabilis siyang napailing. "I know that you knew my relationship with Lander Storm. He doesn't trust me after everything that happened—"

"He will trust you again if you tell him."

"No, I couldn't. Its part of the rules—" napatigil siya sa pagsasalita ng mag-sink in sa isip niya ang sinabi ng Director. "You..." hindi siya makapaniwala sa narinig. "You want me to tell him about us?"

Tumango ito. "Need to know basis only."

Para siyang nabunutan ng malaking tinik. Thanks god! "Copy."

Ngumiti ang Direktor sa kaniya. "Good luck, Vienna. And take care of yourself, please."

Sinuklian niya ang ngiti ng direktor. "Thanks, dad."

POSSESSIVE 4: Lander StormWhere stories live. Discover now