CHAPTER 13

1.5M 31.1K 2.1K
                                    

CHAPTER 13

PAGKATAPOS niyang kainin ang agahan na hinanda ni Lander, umalis si Vienna ng bahay dahil itinext siya ni Hellion na pumunta sa bahay nito. Gusto sana niyang mag sketch ng mga damit na naging libangan nalang niya pero kailangan niyang magtrabaho.

Kaya nga hindi siya makapag-focus sa V Couture na tinayo niya noon pagka-graduate niya. Nawalan siya ng oras mag-desenyo ng mga damit dahil mas nag focus siya bilang Agent Light. Lalo na nang mamatay ang partner niya ng dahil sa pagiging makasarili niya.

Ngayon ang V Couture ay isa lang maliit na boutique sa Nevada na pinupuntahan ng mga dati niyang suki.

Nang makarating siya sa bahay ni Hellion, nasa sala ito at hinihintay siya.

"Good morning, Mr. Hellion." Bahagyang nanunudyo ang boses niya at umupo sa kaharap nitong pang-isahang sofa.

"Good morning, Ms. Light," anito at may iniabot sa kanyang black duffel bag. "May lamang anim na C4 ang bag na yan. Ilagay mo 'yan sa bawat sulok ng Exxon Garage. Tumawag si boss, kailangan ng tapusin ang misyon na 'to. Sa makalawa, babalik tayo sa China kaya maghanda ka." Pagkatapos ay may inilapag itong blue prints sa center table. "This is the blue print of the Exxon garage."

"Saan mo naman nakuha 'yan?" Natatakang tanong niya.

"That's a secret." Kinidatan siya nito at ibinalik ang atensiyon sa blue prints. "Dito mo ilalagay ang mga C4," anito sabay turo sa mga may kulay pulang tuldok. "Aalalayan kita mula rito para hindi ka mawala." May inabot sa kaniyang USS type port si Hellion. "Kailangan mong makapasok sa computer o CCTV room nila para ilagay ito sa CPU nila. Using this, I can hack into their database and cameras. Ito muna ang unahin mo bago mo ilagay ang mga C4 kasi kailangan kong alisin ang footage mo pagkatapos dahil siguradong hahanapin ka nila."

Kinuha niya ang port like USB na hawak ni Hellion. "'Yon lang?"

"And don't get caught."

Tumango siya. "Copy." Kinuha niya ang duffel bag at isinukbit iyon sa balikat. "Aalis na ako."

"Wait," ani Hellion at may ibinigay sa kanyang mini-microphone and mini-wireless earphone. "I'll help you from here."

"Okay." Tinanggap niya ang binibigay nito at umalis siya sa bahay ni Hellion at pumara ng taxi patungo sa Exxon Garage.

Habang nasa loob ng taxi, inilagay niya ang mini-microphone transmitter sa kuwelyo ng suot niyang overall red leather suit at inilagay naman niya sa tainga ang mini-wireless earphone.

Tinapik-tapik niya ang mini-microphone. "Sound check. Can you hear me?" Aniya sa mahinang boses.

"Yes, I can," anang boses ni Hellion mula sa mini-wireless earpiece. "Malapit ka na sa Exxon Garage. Huwag mong isasara ang GPS ng cellphone mo"

"Copy."

Nang tumigil ang sasakyan dalawang gusali ang layo bago ang Exxon Garage, huminga siya ng malalim bago lumabas ng taxi. Habang papasok si Vienna sa nasabing garahe, mahigpit ang kapit niya sa duffel bag na nakasukbit sa balikat niya. May dalawang armadong security guard sa labas ng gusali.

Inayos niya ang nakalugay na buhok at nang-aakit na nginitian ang dalawang security guard.

"Hey, boys," nakangiting aniya. "Puwede ba akong makigamit ng banyo?"

Nagkatinginan ang dalawang bantay at puno ang pagnanasa ang mga mata na ibinalik ang tingin sa kanya.

"Oo naman, miss," anang security guard na nasa kanan.

"Kailangan nga lang namin sumama sa'yo." Nakangisi na dagdag ng kasama nito.

"Okay lang sa akin." Peke siyang bumungisngis saka pasimple niyang kinuha ang syringe na naka-strap sa may hita niya. Pampatulog ang laman niyon. "Halina kayo."

POSSESSIVE 4: Lander StormWhere stories live. Discover now