CHAPTER 19

1.4M 30.5K 4.4K
                                    

CHAPTER 19

HINIHINGAL na bumagsak ang katawan ni Vienna sa kama sa tabi ni Lander na may ngiti sa mga labi. As usual, making love with Lander was always mind blowing and breath taking. Hindi niya alintana ang sugat niya sa balikat.

"That was amazing," hinihingal na sabi ni Lander.

That made her smile. "Yeah. Always is."

Tumagilid ng higa si Lander at yumakap sa beywang niya. "Vienna?"

"Hmm?"

"Huwag mo na akong iiwan ulit, ha?" Pakiusap nito sa kanya habang kinikiskis ang dulo ng ilong nito sa pisngi niya.

Ipinikit niya ang mga mata at ngumiti. "Hindi kita iiwan, Lander. Hindi ko na kakayanin pang mawalay sa'yo nang ganoong katagal."

Lander sighed in relief and kissed her cheeks. "Please, be safe. Always. Okay?"

"I will,"sagot niya. "I'll keep you safe too, Lander," pangako niya iyon sa binata at sa sarili niya. "Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo. Pangako 'yan."

Humigpit ang pagkakayakap ni Lander sa kanya. "I can keep myself safe, Vienn. Ang sarili mo ang isipin mo. Huwag ako. Kasi mas lalong hindi ko kaya kapag may nangyaring masama sayo."

His words... did that mean he feel something for her? Hindi lang ba imahinasyon ang emosyong nakikita sa mga mata nito? Nakapasok na ba siya sa puso nito?

Pinagsiklop niya ang kamay nila ni Lander na nasa beywang niya. "I'll keep you safe. Hindi dahil iyon ang trabaho ko kundi dahil ikaw ang lalaking mahal ko at ayokong may hindi magandang mangyari sayo. So, please, let me."

"Kung ganoon, hayaan mo rin na protektahan kita sa abot ng makakaya ko," wika nito.

"Hindi na kailangan." Puno ng kompyansa na sagot niya. "Ako na ang bahala."

Lander kissed her cheek again. "No. Just let me. Please."

Huminga siya ng malalim. "Matulog ka na, Lander." Hahaba lang ang usapan nila. Hindi niya ito papayagan sa gustong mangyari. "Bukas na natin pag-usapan ito. You'll be safe, I promise."

"Okay. Good night, my sweet," bulong ni Lander sa tainga niya. "I love you so much, Vienna."

"I love you too, Lander."

Nilukob ng katahimikan ang buong private room ni Lander sa opisina nito. A moment later, Lander's breathing became even. Mukhang tulog na ang binata.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakayakap ng braso ni Lander sa beywang niya at umalis siya sa kama.

Kinuha niya ang first-aid kit sa banyo bago siya lumabas sa pribadong silid na iyon na hawak ang cellphone niya. Wala siyang suot na kahit na ano. Hubo't-hubad siya habang naglalakad.

Vienna sat on Lander's swivel chair and dialed her father's number.

"Is this Vienna or Agent light?" Tanong ng Daddy niya ng sagutin nito ang tawag.

Kapag tumatawag siya, palagi itong nagtatanong kong si Vienna ba o si Agent light siya. Kapag sinabi kasi niyang si Vienna ito, alam nitong mangungumusta siya o gustong makausap ito kaya nawawala ang awtoridad sa boses nito.

Ini-loudspeaker niya ang cellphone pagkatapos ay inilapag sa ibabaw ng mesa at nag-umpisang linisin ang sugat niya sa braso.

"This is Vienna, dad," aniya sa mahinang boses.

Her father sighed. "Are you okay? I heard from Hellion that you got shot."

Lihim siyang napamura. Bakit ba sinabi pa niya kay Hellion na timaan siya? "Hindi naman po malala ang tama ko. Daplis lang po."

POSSESSIVE 4: Lander StormWhere stories live. Discover now