CHAPTER 22

1.6M 33.1K 6.6K
                                    

CHAPTER 22

NAPAIGIK si Lander nang maramdamang sumakit ang likod niya nang sinubukan niyang bumangon. Vienna pushed him back to bed causing the pain to double.

"Fuck!" Pinukol niya ito nang masamang tingin. "That hurts, Vien."

Napangiwi si Vienna. "Sorry." Ginawaran siya nito ng halik sa nuo. "Just rest, okay? Hindi ka pa puwedeng mag-gagagalaw. Ino-operahan ka palang. Try not to move, Lander."

He grimaced in pain. "Trust me, I'm trying."

Sinuklay nito ang buhok niya. "Humiga ka lang diyan, okay? Tatawagin ko ang Doctor para sabihing gising ka na."

Tumango siya at hinayaan ang dalaga na lumabas ng silid kahit ang gusto niyang gawin ay yakapin siya nito ng mahigpit. He wanted to feel her body next to his.

Nagsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya natakot nang maramdaman niya ang bala na tumama sa likod niya. Takot na takot siya na baka mamatay siya at makahanap nang iba si Vienna. Baka minulto niya ang lalaki kung nagkataon. Pero mas natakot siya na si Vienna ang tamaan ng bala. Natakot siya na mawala ito sa kanya. Masyado niyang mahal si Vienna.

Pagkalipas ng ilang minuto, bumalik ang kasintahan niya at may kasama itong lalaki na hinuha niya ay ang doctor. Biglang sumama ang pakiramdam niya ng makita niya kung paano tingnan ng doctor si Vienna.

Lander felt smug when Vienna went to his side and kissed him.

"Magiging okay ka na," anito na puno nang pamamahal na ngumiti at kaagad na kinagaan ang pakiramdam niya.

"My back hurts." He gave Vienna a puppy dog face. Wala siyang pakialam kung may doctor sa harapan nila.

"You'll be fine." Hinaplos ni Vienna ang pisngi niya. "Masakit lang talaga 'yan kasi ino-operahan ka palang. Huwag kang maysadong maggagagalaw."

Biglang nagsalita ang doktor. "Tama ang sinabi ni Miss Sugon. Kailangan hindi ka maggagagalaw para madaling gumaling ang sugat mo."

Ngumiti siya ng pilit. "Salamat."

Nang makaalis ang doctor, maingat siyang niyakap ni Vienna.

"So mahal mo ako?" Tanong nito habang yakap siya.

"Mahal na mahal," aniya saka bumaling dito. "I want to murder them for hurting you, Vienna. Pakiramdam ko wala akong kuwentang lalaki kasi hinayaan ko silang gawin 'yon sayo. Kung nakakasiguro lang ako na hindi ka na nilala sasaktan kapag pinermahan ko ang papeles na iyon gagawin ko pero alam kong papatayin din naman nila tayo. I'm so sorry for letting them beat you up."

"Okay lang ako. Minor bruises compare to yours." Hinaplos nito ang buhok niya. "Sinalo mo ang bala para sa'kin, Lander. Kaya huwag mong iisipin na wala kang kuwenta. Because what you did was more than enough. Sobra-sobra na. Ibinuwis mo ang buhay mo para sa akin, ako ang walang kuwenta kasi hindi kita na protektahan katulad nang pangako ko."

Napailing-iling siya. "You protected me, Vienna, for as long as you could possibly protected me. Sapat na sa akin 'yon. At please lang, huwag na nating pag-usapan 'yon, nakaraan na yon. Ang mahalaga, buhay ako, buhay ka at dapat 'yong ikasaya."

Malapat itong ngumiti. "Yeah. Let's celebrate."

"Hmm-mm." He kissed her temple. "Kapag nakalabas ako nang hospital magsi-celebrate tayo. Sisiguraduhin kong hindi ka na makakalakad pagkatapos nating mag celebrate."

Mahinang napatawa si Vienna. "Iba naman iyang celebration na nasa isip mo, e."

Lander chuckled. "Iba nga. My celebration involves moans and a lot of moaning."

POSSESSIVE 4: Lander StormWhere stories live. Discover now