CHAPTER 18

1.7M 30.6K 5K
                                    

CHAPTER 18

HINDI ALAM ni Lander ang gagawin. Oo nga at may hawak siyang baril at may background naman siya sa shooting. Pero isang karton na may naka-drawing na tao ang binabaril niya. Hindi isang tunay na taong humihinga!

Napatingin si Lander kay Vienna na binabalot ng malaking panyo ang tama nito sa braso.

Nilapitan niya ang dalaga at hinawakan niya ang braso nito na walang tama.

"Hindi ka ba puwedeng tumawag na saklolohan tayo?" Tanong niya kay Vienna.

Natatakot siya hindi para sa sarili niya kundi para sa dalaga. Nakikita niya ang katapangan na taglay nito sa mga mata nito at alam niyang lalaban ito ng patayan para mailigtas siya.

He couldn't lose her. Hindi niya kakayanin kapag may nangyaring masama rito dahil sa pagpo-protekta sa kanya.

Vienna looked at her and smiled reassuringly. "It's okay. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo."

Umiling siya. "No." Niyakap niya ito. "Wala akong pakialam sa sarili ko kung anong mangyari sakin. Ikaw ang inaalala ko."

Vienna just chuckled and rolled her eyes then kissed him on the lips. "Don't worry too much. We will survive."

Pinagsiklop nito ang kamay nila at hinila siya nito palabas ng silid. Habang walang ingay na naglalakad patungo sa hagdanan. Pahigpit ng pahigpit ang hawak ni Vienna sa kamay niya.

Habang pababa sila sa hagdan, panay ang tingin ni Vienna sa paligid. Siya naman ay tumitingin sa bintana kung may tao sa labas dahil may ilaw naman sa labas ng bahay niya.

Inatake na naman ng takot ang buo niyang pagkatao nang makitang natagos na ng dugo ang panyo na binalot nito sa braso na may tama nang bala.

Huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili. Walang mangyayari sa kanya kung matatakot siya sa kalagayan ni Vienna. She was strong ang brave.

When Vienna lowered her body and crawled on the floor, ginaya niya ang ginawa nito. Gumapang silang patungong sofa. Tumaas ang kilay niya ng may hugutin itong baril mula sa ilalim ng sofa.

"Paborito mo talaga magtago ng baril sa sofa, no?" Pabulong na tanong niya.

Mabilis na tinakpan ni Vienna ang bibig niya gamit ang walang dugo nitong kamay. "Huwag kang maingay," bulong nito at binitiwan ang kamay niya.

Nagtatago sila sa likod ng mahabang sofa. Kung may masamang loob man na papasok sa pinto, hindi kaagad sila makikita at may pagkakataon siyang unahan ito.

Nilukob ng pag-aalala ang puso niya ng iwan siya ni Veinna at gumapang ito patungo sa pintuan at mabilis na binuksan iyon.

Nakahinga siya ng maluwang nang makitang walang tao sa labas ng pinto. Isinara ni Vienna ang pinto at naglakad patungong kusina. Alam niyang dapat siyang manatili sa pinagtataguan niya pero nag-aalala siya para sa dalaga. Kaya naman sinundan niya ito.

Nang makapasok siya sa kusina. Wala na roon ang dalaga pero bukas ang back door. Akmang susundan niya si Vienna ng pumasok ito sa back door at nagulat ito ng makita siya.

"Shouldn't you be hiding?" Tanong nito na nakataas ang kilay.

"Nag-alala ako sayo," aniya.

Isinara nito ang back door at inilapag ang baril na hawak sa island counter. "May kwarto ka ba rito sa bahay mo na close-in? 'Yong walang malaking bintana at walang sliding door?"

Parang napaso na inilapag naman niya ang baril sa tabi ng baril nito na nasa island counter. "Mayroon. Sa kwarto mo."

"Great. You'll be sleeping with me," anito at kinuha ang dalawang baril sa island counter at naglakad patungo sa hagdanan at nagtungo ito sa second floor. Nasa likod lang siya nito hanggang sa makarating sila sa silid nito.

POSSESSIVE 4: Lander StormWhere stories live. Discover now