CHAPTER 5

1.7M 33.9K 5.3K
                                    

CHAPTER 5

PANAY ang mura ni Vienna habang nagdo-drawing ng damit pagkatapos ay buburahin din niya kasi hindi niya gusto ang kinalabasan. Hindi niya alam kung bakit hindi siya makapag focus. Dahil ba palaging pumapasok si Lander sa isip niya at yong nakita niya sa labas ng ICU.

Kinakain ng selos ang buo niyang sistema.

Inis na nagsalin siya ng tequila sa shot glass at ininom 'yon. Kanina pa niya paunti-unting inuubos ang isang bote ng tequila simula ng mag sketch siya ng mga damit na tinatapon din naman niya.

Tequilla always had the power to calm her nerves. Ang tequila palagi ang kasama niya kapag ma i-stress siya sa pagdedesenyo ng mga damit.

Bumuga siya ng marahas na hangin saka nagsalin ulit sa shot glass at ininom 'yon.

"Shit!" Mura niya ng tumayo siya at umikot ang paningin niya. Mukhang marami na siyang nainom.

Hinilot ni Vienna ang sentido saka pinalibot ang tingin sa inuupahan niyang condo. Napakagulo niyon. Nagkalat ang tela at lahat ng kagamitan niya. Kailangan na niya ng mas malaking bahay.

Si Cali! Hihiramin muna niya ang bahay ni Cali. Hindi naman ito tumitira do'n dahil may masamang karanasan ito sa bahay na 'yon.

Mabilis niyang pinulot ang susi ng kotse na hiniram niya kay Cali saka lumabas ng condo niya. Napahawak siya bigla sa dingding ng hallway patungong elevator ng maramdamang umikot ang paningin niya.

"Shit."

Gusto niyang kutusan ang sarili dahil uminom siya ng ganoon karaming tequila. One or two shot was enough but she drank half of the bottle. Darn it!

Sumakay siya sa elevator at nagpahatid sa ground floor. Sa halip na mag kotse, naghanap nalang siya ng taxi. Hindi niya kakayaning magmaneho kung ganitong medyo nahihilo siya. Baka mabunggo pa siya.

Habang naghihintay ng taxi na dadaan, tinawagan niya si Cali. Ilang ring palang, sumagot kaagad nito ang tawag niya.

"May kailangan ka, little sis?" Tanong kaagad nito sa kabilang linya.

"Nasaan ka?" Tanong niya. "Puwede ko bang hiramin pansamantala ang bahay mo. Nasisikipan kasi ako doon sa condo ko. I need more space para sa paggawa ko ng mga damit habang on vacation ako."

"At bakit sa bahay ko pa?" Iritado nitong tanong.

"Kasi nga malawak doon!" Naiinis niyang sagot. "So, ipapahiram mo ba sa akin ang bahay mo na ilang taon nang pinapugaran ng mga multo dahil walang tao o hindi?"

"Ikaw na nga itong nanghihiram, ikaw pa ang mataray," hindi makapaniwalang sabi nito. "Punta ka na rito sa cruise ship ko sa Suldaga's Port. Bilisan mo. Pagabi na."

"Pupunta na po riyan, kamahalan." Puno ng sarkasmo niyanh sabi saka pinara ang nakitang taxi na papalapit.

NANG tumigil ang Taxi na sinasakyan ni Vienna, tumingin siya sa labas ng binata.

"Dito na ho, ma'am?" Tanong ng driver.

Napatitig siya sa karatulang Sudalga's Port. "Oo, dito na."

Binayaran niya ang driver saka lumabas ng taxi. Napatigil siya sa paghakbang ng umikot na naman ang paningin niya.

"Shit." Mariin niyang pinikit ang mga mata. "Bakit ba kasi ang dami kong nainom?"

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa malaking cruise ship na pag-aari ng hilaw niyang kapatid.

Huminga siya ng malalim bago pumasok sa cruise ship.

POSSESSIVE 4: Lander StormWhere stories live. Discover now