CHAPTER 21

1.5M 32.1K 7.7K
                                    

CHAPTER 21

NANLAKI ang mga mata ni Vienna sa pinaghalong takot at galit ng makitang nabuwal sa pagkakatayo si Lander pagkatapos niyang makarinig ng putok ng baril. Sa sobrang takot at galit na naramdaman niya, itinutok niya ang baril kay Lamar Exxon at binaril ito hanggang sa maubos ang bala ng baril niya.

Tadtad ng bala ang katawan ni Lamar Exxon nang matumba ang katawan nito sa sahig.

"Tingnan natin kung mabuhay ka pa riyan." Nagtatagis ang bagang na wika niya at binalingan niya si Lander na nakahandusay sa sahig at naguumpisa nang maligo sa sariling dugo.

"Call an ambulance, dad," Kalmadong aniya. Walang magbabago kung magpa-panic siya. "Ako na ang bahala kay Lander."

"Roger," ani ng ama at may tinawagan.

Abala naman ang ibang tauhan na kasama nang ama niya na linisin ang bangka at ilagay ang lahat ng bangkay sa itim na body bag.

Pasalampak na umupo siya sa sahig at pinakatitigan si Lander. Nag-uumpisa nang mamutla ang binata kaya naman hinawakan niya ang pulsuhan nito.

Nang maramdaman niyang medyo malakas pa ang pulso ni Lander, nabuhayan siya ng loob. "Kampante ako kasi alam kong hindi mo ako iiwan. Alam kong hindi mo hahayaan na makahanap ako nang iba, hindi ba? Sabi mo mahal mo ako, patunayan mo 'yon ngayon, huwag kang mamamatay, huwag mo akong iiwang mag-isa. Please, Lander, mabuhay ka," pakiusap niya habang tumutulo ang luha niya.

Umuklo siya at inilapat ang mga labi sa mga labi nito. "Just hang in there, my love. Parating na ang tulong," bulong niya sa mga labi nito habang walang patid pa rin ang pag-iyak.

Lumapit sa kanya ang ama. "The ambulance is coming, Vienna."

Nag-angat siya ng tingin sa daddy niya. "Thanks, dad."

"He'll be fine," anito. "He won't leave you."

"I know."

"He'll just have to make sure that he is going to marry you afterwards, because I'll kill him if he doesn't," banta ng ama na ikinangiti niya.

Kapagkuwan ay narinig niya ang tunog ng ambulansya.

Nakahinga siya nang maluwang nang pumasok sa barko ang mga nurses at attendants. Inilagay ng mga ito sa stretcher si Lander at inilabas ng barko habang siya naman ay sumusunod sa mga ito.

"Vienna, call me when you get the chance, okay?" Anang daddy niya na nakasunod sa kanya. "I'll stay here to clean things up."

"Thanks dad, I'll call you," aniya.

Nang ipasok ng mga nurses si Lander sa loob ng ambulansiya, pinapasok din siya ng mga ito sa loob at mabilis na humarurot iyon patungo sa hospital.

HABANG nasa operating room si Lander para kunin ang bala na bumaon sa likod nito, nasa labas si Vienna nang OR at hindi mapakali.Kanina pa siya pabalik-balik sa paglalakad. Hindi niya alam kung ilang oras nang naroon si Lander sa loob. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman niya habang naghihintay. Hope. Fear. Love. Guilt. Napakahirap maghintay sa labas habang nagdarasal siya na sana walang mangyaring masama sa binata habang inooperahan.

Nagdarasal siya na sana maging maayos ang kalagayan ni Lander. Gusto niya itong makita ulit. God, I love him. Please, save him.

"Is he okay?" Boses iyon nang ama niya.

Mabilis siyang tumingin sa direksiyon na pinanggalingan ng boses. "Daddy."

Siguro tapos na nito linisin ang barko kaya narito na ito ngayon. Hindi niya ito tinawagan pero alam nito kung saan dinala si Lander dahil ito ang tumawag ng ambulance.

POSSESSIVE 4: Lander StormWhere stories live. Discover now