A GLIMPSE OF "THE AUDACITY OF CHINO ARVESU"

3.9K 100 13
                                    




This is an alternate story of Chino and Lauren. Why? Because I can.

And this is written using Chino Arvesu's perspective. Why? Because this motherfucker deserves to die. Kidding, no seriously, he deserves to be drag to the pits of hell.

-


A GLIMPSE OF "THE AUDACITY OF CHINO ARVESU"

INT. LAUREN'S HOUSE

"What the fuck, Lauren?" Galit na saad niya habang nakatingin lamang sa kanya si Lauren. Buong gabi silang magkasama at nagpatupok sa apoy ng pagnanasa, gabing hindi iisang beses naganap. Maraming ulit na silang nagpanabong sa kama ngunit heto ang magaling na babae at tinatanggihan na naman ang alok niyang kasal.

"You don't want to marry me, so you just want me to fuck you? Is that it? Goddammit, kasal na lamang ang kulang sa atin. I'm practically living here! And we're having sex more times than any other couples I know."

"Why are you angry? We still haven't established if we're together. I don't remember agreeing to being in a relationship with you." Blangko ang ekspresyong sabi niyo pero nababakas niya sa magandang mukha nito ang pag aagam-agam. Nakatayo ito sa may pintuan ng kwarto at nakaroba lamang. Gusto niyang hilahin itong pabalik sa kama ngunit mas lamang ang galit niya kaysa sa pagnanasa rito.

"You're kidding me, right?" He asked in disbelief.

"No. I mean, we agreed to do business. You were the one who offered yourself to me. You promised me pleasure which I accepted ..."

Napaawang ang mga labi niya nang lubusang maintindihan ang sinabi nito. Napailing na lamang din siya at nagsimulang bumangon sa kama. Inisa-isa niyang damputin ang mga damit niya sa sahig at isinuot ang mga iyon.

"Chino ..." Pigil nito sa kanya nang lumabas siya ng kwarto. Nakasunod ito sa kanyang naglalakad.

"You know what, Lauren? Maybe I should stop seeing you. Kung may importante kang sasabihin o gagawin na related sa business natin ay ipadaan mo na lamang sa magaling mong lawyer, tutal ay susunduin naman ng gagong iyon ang lahat ng gusto mo. But me? No, I'm done with all this."

"Chino ..."

Binuksan niya ang pinto palabas sa bahay niyo pero nang tawagin niyo ang pangalan niya ay nag igting ang mga ugat niya.

Talagang kahinaan niya ang babaeng ito at ayaw niya iyon. Ayaw niyang magkaroon ng kahinaan at mas lalong ayaw niyang malaman nito ang katotohanang iyon na maski siya ay hirap aminin sa sarili niya.

Pumihit siya at humakbang pabalik dito.

Marahas niyang hinawakan ang magkabilang kamay niyo at isinandal ito sa pader bago salakayin ang namumula at namamaga nitong labi dala nang mainit nilang pagniniig.

Ang ungol sa lalamunan nito ay kinulong niya sa pamamagitan ng mapusok niyang labi at dila.

Nang suklian nito ang mabagsik niyang halik ay gusto niyang magwala dahil sa pagtatalo ng isip at puso niya. Ngunit sa kabila ng pag iinit niya ay hinayaan niyang magwagi ang isip at pinatatag ang desisyon.

Bumitaw siya at nakita niya ang nangingilid na luha sa mga mata nito kasama ang matinding pagnanasang alam niyang sumasalamin din sa kanya.

"Damn it, Lauren. Damn it." Nang bitawan niya ito ay nanatili itong nakasandal sa pader at nakatingin sa kanya.

"Chino, please ..."

"No. We're done. I'm done, whatever the fuck we have, it is done. I won't see you again, Lauren. I'll be damned if I let myself see you again."

Ngunit bago niya labasin ang pinto at tuluyang iwanan ito ay hinayaan niya ang sariling kumuha ng isa pang malalim na halik dito na pabaon niya sa sarili.

INT. CHINO'S CAR

Mag aalas nueve na nang gabi nang dumating siya sa siyudad galing Poblacion. Tatlong araw na ang nakalilipas mula nang umalis siya sa bahay ni Lauren at "tapusin" ang pisikal nilang ugnayan.

Dumeretso siya sa bahay niya sa Poblacion at doon lamang naglagi. Inabala ang sarili sa pag aani ng kape at pag aasikaso ng mga taniman.

Nakatigil siya sa isang intersection habang naghihintay na malipat sa kulay verde ang ilaw na pula.

Naisip niya kung kumain na kaya si Lauren. Madalas itong hindi kumakain ng tama sa oras at kailangan pang paalalahanan, dahil hindi ito umaangat sa upuan para sa trabaho. Kung kaya't sinisigurado niyang pakainin ito palagi ng tama sa oras. Nang nagdaang tatlong araw ay pinipilit niyang iwaksi ito sa isipan niya, pero dahil narito siya sa siyudad at mas malapit dito ay hirap na hirap siyang gawin iyon.

Alam niya kung ano ang sinabi niya. Pero heto siya ngayon at natagpuan ang sariling tinatawagan ang numero ng dalaga.

Gusto lamang niyang siguruhin kung kumain na ba ito. Iyon lamang at wala ng iba.

Sa ikalimang ring ay sumagot ito at napalunok siya nang marinig ang malamyos ngunit may pag aalinlangan nitong tinig.

"Yes?"

Napahugot siya ng hininga bago sumagot.

"Lauren, are you still at work?"

"Yes." Tipid nitong sagot.

"Have you eaten dinner?"

"No. Not yet."

Nahilot niya ang sintido. Sinasabi na nga ba niya at hindi na naman kumakain ang magaling na babae sa tamang oras. Kung hindi paalalahanan ay hindi kakain kaya dapat talaga ay may nag aalaga rito. Idagdag pang matigas ang ulo nito.

"It's almost nine."

"I didn't notice."

Napabuntong hininga siya.

"Stay put, I'll pick you up and feed you."

"What?"

"Just stay where you are."

Eksakto namang lumipat na sa verde ang kulay ng ilaw. Tinapakan niya ang silinyador at nagtungo kung nasaan ang babaeng wala ng ginawa kundi ang magtrabaho at ang tanggihan siya.

INT. LAUREN'S OFFICE

Nang pumasok siya sa opisina ni Lauren ay tumunghay ito sa kanya mula sa folder kung saan may binabasa ito.

Looking divine as always.

"Come on, let's have dinner."

"Okay. Aayusin ko lang ang gamit ko."

Nang mapansin niyang hindi nito isinilid sa bag ang laptop ay kumunot ang noo niya. Alam niya ang ibig sabihin niyo. Mukhang may plano pa itong bumalik sa opisina mamaya.

Talaga naman.

Hindi siya kumibo at hindi rin siya umimik. Pinanuod lamang niya ito hanggang sa tumayo na sa pagkakaupo at magkasunod silang lumabas ng gusali.

INT. CHINO'S CAR

Nang sumakay sila sa sasakyan niya ay walang umimik sa kanilang dalawa.

Habang tinatahak ang kalsada ay nakatingin ito sa labas ng bintana habang pinipilit naman niyang mag focus sa pagmamaneho.

Mabilis ang tibok ng puso niya at tila ba nagwawala ang buong sistema niya dahil sa presensya ni Lauren.

Kung mababaliw man siya ay ito ang dahilan.

Pero bago pa siya tuluyang mabaliw ay hinagip na niya ang kamay nito at pinagsalikop ang mga daliri nila.

The Audacity of Chino ArvesuWhere stories live. Discover now