Chapter 2

1.2K 56 3
                                    


​THE AUDACITY OF CHINO ARVESU

Chapter 2

Wala pang tatlumpo​​ng minuto ay dumating na kaagad ang Attorney na mukhang masaya na makita si Ms. Cosiarelli. Pero nang makita siya nito ay mabilis na naglaho ang mga ngiti nito.

"Chris, meet Chino Arvesu." Simula ni Lauren at lumipat ito ng pwesto. Mula sa lamesa nito ay lumipat ito sa couch. Tumayo rin naman siya at sumunod rito.

Again, she's sitting there with her back straight. Her fancy face was blank. "Mr. Arvesu, this is Chris, my lawyer. Aren't you going to call your lawyer?"

"No need. I'll read the contract and decide for my business myself." Sagot niya at naupo sa harap nito.

"Arvesu?" Kunot noong tanong ng lawyer nito. "Why is he here?"

Hindi naman nagkomento ang dalaga, habang lawyer naman nito ay naupo sa mahabang couch sa pagitan nilang dalawa.

"Business." Tipid na sagot ni Lauren. Nagsimula silang maglapag ng mga clauses na ilalagay sa kontrata nilang dalawa.

Sa buong duration ng meeting nila ay matalim ang mga tingin na ipinupukol ng lawyer ni Lauren sa kanya. The guy is interested with Ms. Cosiarelli for so many other reasons. 

Poor guy.

"I think this is a bad idea, Mr. Arvesu is bad news. Gagamitin niya ang lahat ng resources sa plantation mo, Lauren." Saad ng lawyer nito at umikot naman ang mga mata niya.

"Of course I will use all her resources, hence the thirty percent profit that will go directly to Ms. Cosiarelli's account. Hence, this contract." He said.

"He's right." Sagot naman ni Lauren bago lumingon sa kanya. "I will only allow you use half part of my plantation, ."

"Okay. But before I sign, gusto kong makita ang part ng farm na ipagagamit mo sa akin. I have visited it once, the location is perfect pero gusto kong malaman at makita kung alin ang ipapagamit mo. Gusto kong makita ang kalidad ng lupa. "

"No problem." Si Lauren.

"So when are you free?" Tanong niya sa dalaga na napakurap sa tanong niya. Mas sumama naman ang tingin sa kanya ng lawyer nito. Kahit samaan pa siya ng tingin ng lawyer nito ay wala siyang pakialam.

"I can take you to her farm." Sabat pa rin ng lawyer nitong limot na niya ang pangalan. "Ako na ang bahala sa inyo, Mr. Arvesu. Alam ko ang lugar at ang pasikot - sikot ..." 

"I don't want you to accompany me. I want Ms. Cosiarelli to take me, besides this is between the two of us."

"It's okay, Chris. I will take Mr. Arvesu there myself."

"But ..." Simula ulit ng lawyer nito pero agad niyang pinutol ang anumang sasabihin pa nito.

"She said she'll take me."

He suppressed a grin. Pakiramdam niya ay panalo siya. He looked at her lawyer like a champion. The guy could greet his teeth all he wants. 

-

Thursday ng hapon libre ang Ice Queen kaya nasa tatlumpong minuto ay nasa harap na siya ng building nito. Kinuha niya ang kaha ng sigarilyo sa bulsa at nagsindi ng isa. Sumandal siya sa sasakyan habang humihithit ng sigarilyo.

Nang matapos ang meeting nila kahapon ay nagpatigasan pa sila ng lawyer nito kung sino ang unang aalis. Pero naiwan siya at binalikan nilang dalawa ni Lauren ang kinakaing cake.

Pinag usapan pa nila ang plano ngayong araw.

Nang maubos ang isang stick ng sigarilyo ay pumasok na siya sa loob ng building.

The Audacity of Chino ArvesuNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ