Chapter 9

692 42 6
                                    

THE AUDACITY OF CHINO ARVESU

Chapter 9

"Hindi ko nga girlfriend si Lauren." Mariing saad niya at nahilot niya ang sintido. Pangalawang tanong na sa kanya ng Tatay niya kung katipan daw ba niya si Lauren. Ni hindi nga siya type ng babaeng iyon.

Gusto niyang sumimangot pero hindi bale na lamang.

"Eh, bakit sabi ni Esso katipan mo raw?"

Umikot ang mga mata niya. Kung nasa tabi siguro niya ang kakambal ay baka nabatukan na niya ito. Nagkakalat ng pekeng balita ang gago.

"Huwag nga kayong nagpapaniwala kay Esso. Kung katipan ko si Lauren ay ako mismo ang magsasabi, hindi ko para itago at itanggi ang mga ganoong bagay." Dagdag pa niya at pinagtaasan lamang siya ng kilay ng Tatay niya.

"Ku, bata ka. Sa lahat ng anak ko ay ikaw ang pinakamalihim. Malihim din ang kakambal mo pero mas malihim ka."

"Tch, ang mabuti pa ay matulog na kayo, Dad. Gabi na po. Matutulog na rin ako dahil maaga pa kami ni Lauren bukas. Magandang gabi po." Sabi niya at lumabas na ng study room nito. Hindi na niya nakitang umiiling ngunit nakangiti ang Tatay niya habang nakatingin sa paalis niyang bulto.

-

"Can't sleep?" Hawak ang bote ng beer na tanong niya kay Lauren nang makita niya itong lumabas ng kwarto. Katatapos lamang niyang mag shower siya at papunta siya sa family room.

"Yes."

"Beer?"

"No, thanks." Saad nito at hinagpitan ang tali ng robe nito.

"How about wine?"

Nagtama ang mga mata nila kaya't ngumiti siya rito.

"Sure." Sagot nito.

"I knew you're a wine girl." Nakangiti pa ring saad niya.

"Actually, I'm more of a cocktail girl." Sagot ni Lauren. Sumandal ito sa nakasaradong pinto at humalukipkip habang nanatiling nakatingin din sa kanya.

"Ah, let me guess ... margarita?" Hula niya at tumungga sa boteng hawak niya pero hindi inaalis ang tingin sa babaeng hindi raw siya type.

Ngumiti ito at umiling.

Hindi nga ba siya type?

"Mojito? Cosmopolitan?" Hula niya ulit at muntik ng malaglag ang panga niya sa ginawa nito. She wrinkled her nose then pouted.

Cute.

"I like tequila sunrise." Sabi nito.

"Ah, I should have known. Mahilig ka sweets." Sabi niya at tumango.

"Mahilig ako sa sweets?"

"Yes. I noticed."

"Okay. So, where's my wine?"

"Right, wait here." Sagot niya at bumaba para ikuha ito ng wine."

-

Pagbalik niya sa itaas ay nakasandal pa rin si Lauren sa pinto. He raised the wine and the glasses at her and she gave him a smile again.

Imwinestra niya ang family room at sumunod sa kanya si Lauren doon.

"Have a seat. Manunuod sana ako ng TV, anything you want to watch?" Tanong niya rito at naupo ito sa kabisera habang sa sofa naman siya pumwesto. Sa coffee table ay inilapag niya ang dalawang wine glass at pareho iyong sinalinan.

"Just pick whatever."

He chose a documentary about the ocean.

Tumingin si Lauren sa labas habang sumisimsim ng wine.

The Audacity of Chino ArvesuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon