Chapter 6

792 39 4
                                    

THE AUDACITY OF CHINO ARVESU

Chapter 6

Tiningnan niya ang mga lugar sa siyudad. Walang roastery doon pero maraming cafés.

Sumandal siya sa upuan at muling humigop ng kape. Maybe he can get what he wants with this? Another way but the same goal.

He listed down what he wanted.

Una, ang plantation ni Lauren. Ikalawa, ang maging business partner si Lauren. From there, his coffee empire.

He also listed down her wants.

A roastery and café in the middle of the city. A fucking roastery and café. Naisuklay niya ang daliri sa buhok.

Wala siyang panahon mag manage ng café at ayaw niyang ipinagkakatiwala sa iba ang negosyo niya. Naniniwala siyang kung hands-on siya sa negosyo ay mas mapapalago niya iyon.

Tumayo siya at dinampot ang kahon ng sigarilyo. Dumeretso siya sa likod ng restaurant at nagsindi ng isang stick.

Will she be willing to manage the café? Can I let her manage the café? Can I trust her?

Bumuga siya ng usok at muling naisuklay ang daliri sa buhok.

Kaysa mag isip mag isa ay mas mabuti pa siguro kung pupuntahan niya ang dalaga at ito mismo ang sumagot sa mga gusto niyag malaman.

Itinapon niya ang upos ng sigarilyo at tinawagan ang dalaga.

-

"I can't. I'm out of town. We have to reschedule." Sagot ng dalaga nang hanapin niya kung nasaan ito.

"Kailan ang balik mo?" Tanong niya. Muli siyang nagpunta sa smoking area at nagsindi ng sigarilyo dahil hindi naman pala niya mapupuntahan ang dalaga.

Damn, but he is disappointed.

"On Friday." Saad nito. Tiningnan niya ang relo kung anong araw na. Martes pa lamang, May ilang araw pa bago sila mag usap ng personal. "I'm sorry, I have to go, I'll text you when I return."

"Fine, I'll be in my brother's restaurant ..." Bago pa man siya matapos sa sinasabi ay naibaba na nito ang telepono.

Muli siyang napabuntong hininga. Parang paningit na paningit siya sa schedule nito. Nagkibit balikat siya, busy rin naman siya at hindi na niya mamamalayan ang paglipas ng mga araw.

-

Nang pumasok siya sa restaurant ay nakatutok ang mata sa kanya ng mga kaibigan niya. Kumunot ang noo niya pero sinenyasan siya ni Esso na lumapit. Lumakad siya papunta sa counter nang nakakunot pa rin ang noo.

"What?"

"Chino, may naghahanap sa'yo." Si Julian.

"Kanina ka pa namin tinatawagan, nasaan ang cellphone mo?" Tanong naman ni Esso.

"Right, naiwan ko sa bahay. Sinong naghahanap sa akin." Sagot lamang niya sa dalawa at umikot ang paningin niya sa restaurant.

Nahigit niya ang paghinga nang makita niya si Lauren Cosirelli na nakaupo sa corner ng cafe.

She's looking divine while sipping coffee. May cheesecake rin sa table nito.

"That woman." Narinig niyang bulong ni Esso pero alam na niyang si Lauren ang tinutukoy nito, Inayos niya ang kwelyo ng polo niya at lumakad papalapit dito. Hindi na niya pinansin si Esso at si Julian kahit may sinasabi pa ang mga ito.

Huminto siya sa mismong tapat ni Lauren at hinintay niyang mag angat ito ng tingin sa kanya.

"Hello, Ms. Cosiarelli." Saad niya.

The Audacity of Chino ArvesuWhere stories live. Discover now