Chapter 7

791 44 11
                                    

THE AUDACITY OF CHINO ARVESU

Chapter 7

Maaga pa lamang ay nasa tapat na siya ng bahay ni Lauren. Titingnan nila ang ilang mga lugar na tinawagan niya para sa itatayo nilang roastery and café.

Bumukas ang pinto ng bahay nito at bumungad sa kanya ang isang Lauren Cosiarelli na naka maong na pantalon. Ito pa lamang ang ikalawang beses na nakita niyang nakamaong ang dalaga.

Damn, he likes it.

"You're early." Sabi ni Lauren sa kanya.

"I do not want to make you wait." Saad niya at ipinagbukas na ito kaagad ng pintuan ng sasakyan niya.

Hindi naman umimik ang dalaga at sumakay lamang ito.

"Unahin na natin ang nasa may second exit sa express way. Okay lang ba?"

"Yes. Okay lang."

"Nag breakfast ka na ba? Want to grab something on our way?"

"Yes please. I want coffee." Sagot nito at inilabas ang tablet mula sa bag. Mukhang mag t-trabaho pa rin ito kahit nasa byahe sila.

"Yes, Ma'am."

-

Umuulan nang sumapit sila sa Laguna. May kalakasan iyon at mas pinalamig nito ang loob ng sasakyan niya. Napansin niya ang pag haplos ni Lauren sa braso nito bago sumimsim ng kape na binili nila kanina sa café na nadaanan nila.

"Cold?" Tanong niya.

"A little." Pag amin nito at muling hinaplos ang magkabilang braso.

Pumaling siya sa backseat at dinampot ang jacket niyang naroon para ibigay rito.

"Here." Saad niya at inilagay sa kandungan nito ang jacket.

"Oh. Thanks." Sagot nito at ikinumot sa sarili ang jacket niya.

"You're welcome." Sumulyap siya rito bago dumeretso ng tingin sa daan.

-

Nang marating nila ang unang prospect nilang lugar ay umuulan pa rin.

He took the liberty to hold the umbrella for both of them. Lauren's left hand automatically held his right arm, taking cover from the rain.

Naroon na ang ahente ng lugar at naghihintay sa kanila.

"Nice place." Saad ni Lauren nang makapasok sila.

Habang nililibot nila ang lugar ay ipinapaliwanag sa kanila ng ahente ang nga pros kung kukuhanin nila ang lugar. Kung hindi naman daw nila gusto ay meron pa raw itong alam na pwedeng ipakita rin sa kanila bukod sa dalawang naka schedule nilang tingnan.

"Gusto ko kung nasa gitna ang pinaka roastery." Saad ni Lauren.

"Gusto mong maging attraction ang roastery?"

"Yes. Gusto kong iyon ang unang makikita ng customers." Dagdag pa nito.

Instantly, his mind is drawing picture of what he'll do with the place. Where to put what, how to put what.

On his left is the door, on his front, the middle will be the huge-ass coffee roaster, and beside him, with him is Lauren Cosiarelli.

Lumakad siya papunta sa backyard ng lugar. May maliit silang space sa likod at harapan kung saan pwede ang alfresco.

"Hanggang apat na lamesa lang ang maiilagay natin dito sa likod dahil masasakop naman natin masyado ang pathway kung dadami pa."

"Gusto mo may alfresco?" Tanong ni Lauren sa kanya.

The Audacity of Chino ArvesuWhere stories live. Discover now