Chapter 5

802 39 4
                                    

THE AUDACITY OF CHINO ARVESU

Chapter 5

"Where are we going?" Tanong ni Lauren nang thirty minutes na ay nasa byahe pa rin sila.

"To my roastery." Sagot niya dahil iyon naman talaga ang plano.

"The one in Quezon?" Kunot noong tanong nito sa kanya.

"That's the one."

"In Quezon?!" Ulit nito na tila hindi nakapaniwala.

"Yup."

"We're going in Quezon?!"

"Uh, yes."

"You didn't say that!"

"I said, I will roast your coffee myself. Pupunta ako sa roastery ko, which is in Quezon. I thought you already know that." Paliwanag niya.

"Ugh. Wala ka bang roastery dito sa siyudad?"

"Wala, eh." Kibit balikat niyang sagot.

"Gagabihin tayo." Sabi nito at tumingin sa wrist watch. Pasado alas tres na ng hapon. Alas sais sila ng gabi makakarating sa Quezon.

"Ihahatid naman kita pabalik."

"You better." Sagot nito at nagbuntong hininga. "I should have asked first kung saan mo ako dadalhin."

"Sorry, I assumed you know."

"Never mind. Malapit lang ba sa farm mo ang roastery?"

"Yes. Nasa iisang area lang sila. I'll show you around."

"Okay, good. Gusto kong makita ang farm mong mayabang ka." She whispered, at inirapan siya bago lumingon sa bintana at nagsalumbaba.

Humalakhak naman siya nang dahil sa sinabi nito.

"Hey, cut me some slack, after all I'm your business partner."

Hindi naman siya nito pinansin at nanatiling nakatingin sa daraanan.

-

"We're here?" Tanong ni Lauren nang tumigil siya sa harapan ng bahay ng mga magulang niya.

"Close. Mag dinner muna tayo."

"Okay. I'm a little hungry. Who's house is this? Yours?"

"My parents."

"Your parents?" Tila nag alinlangan naman ito.

"Yes."

Bumaba na siya at umikot papunta sa gawi nito. Siya na mismo ang nagbukas ng pinto ng sasakyan para rito.

"Come on." Untag niya at nagbuntong hininga naman ito bago bumaba.

-

Nakatingin ang mga magulang niya kay Lauren nang pumasok sila sa bahay. Parehong tila natigilan dahil may kasama siya.

"Hijo, hindi mo naman nabanggit na may kasama ka pala." Ang mama niya ang unang nakabawi.

"Yes. 'Ma, 'Pa, this is Lauren Cosiarelli."

"Good evening po." The Ice Queen turned into a warm, smiling, beautiful woman suddenly. He almost blink.

"Good evening din sa'yo, hija."

Ipinakilala niya ang mga ito sa isa't isa. Maigi na lamang din at wala ang mga kapatid niya dahil daragdag pa ang mga ito sa magulo.

"Mag dinner lang kami rito, 'Ma tapos pupunta kami sa roastery."

"Sige, patapos na rin akong magluto. Maupo na kayo sa hapag." Ang Mama niya bago ito bumalik sa kusina. Ang Tatay naman niya at mukhang iniisyoso pa silang dalawa.

The Audacity of Chino ArvesuWhere stories live. Discover now