Chapter 14

383 20 4
                                    

THE AUDACITY OF CHINO ARVESU

Chapter 14

Gaya ng sinabi ni Lauren ay tinawagan siya nito kinabukasan para sa trabaho. Binigyan siya ni Lauren ng itinerary at deadline, napailing na lamang siya pero sinunod ang mga gusto nito. Wala naman din siyang reklamo dahil iisa naman sila ng goal.

Naka schedule ang pag sign nila ng documents sa pag acquire ng property sa susunod na linggo, ngayon ay may schedule siya company nila Jacob.

"She wants something cozy." Sabi niya kay Jacob at Pipo at sa design team na kasama ng dalawa.

"She?" Taas kilay na tanong nito.

"Yup. Though I'm still trying to get Frappe on board, kaso meron daw siyang tatlong big projects ngayon sa inyo."

"Ayaw ka lang talaga maging client ng kapatid mo dahil maligalig ka." Sabi ni Pipo at tinawanan pa siya ng dalawa niyang kaibigan.

"What?"

"Nasabi na namin kay Frappe 'to and sigurado rin naman kami na nag usap na kayo, kaso ayaw lang talaga niya na makatrabaho ka. Bossy ka raw." Sabi pa ni Pipo at napahalukipkip na lamang siya.

"Frappe's right. Kahit kami ayaw ka naming katrabaho kaso sayang naman ang ibabayad mo." Dagdag pa ni Jacob at patuloy na nagtawanan ang mga ito.

"Anyway, who's she?" Tanong ulit ni Pipo.

"My business partner." Simpleng tugon niya.

"Ah, Lauren?" Tanong ni Jacob. Kumunot naman ang noo niya sa tanong nito. "Sabi ni Esso kasama mo raw sa birthday ni Tito."

"She's my business partner." Sagot lamang niya ulit.

"Okay, makikilala ba namin ang business partner mo?"

"We'll see."

"Damot naman nito. Sige, i-discuss mo na nga lang kung ano ang gusto niya sa design team."

That, he did.

-

Nang makapirma sila ng documents ni Lauren para ma acquire ang property ay ipinakita niya rito ang design na galing kina Pipo at Jacob.

"When did you do this?" Tanong ni Lauren sa kanya.

"A couple of days ago."

"The design is very ... rough." Komento nito habang nakataas ang kilay at nakatingin pa rin sa design.

"Looks cozy to me."

"To you, yes. It kind of looks like a man cave to me, Mr. Arvesu." She said, business like. "This isn't my idea of cozy. Nasaan ang design team mo?"

"Want to meet them?" He asked.

"Yes."

-

Nakatingin sa kanya sina Jacob at Pipo nang dalhin niya si Lauren sa opisina nang mga ito.

"Good afternoon, gentlemen." Saad ni Lauren.

"Afternoon, Ma'am." Saad ni Pipo at muntik na siyang masamid dahil dumeretso ng upo si Pipo at ganoon din si Jacob.

-

Ah, so the woman wants something a little bit more feminine.

She didn't changed the floor plan, only some of the paint and the furniture.

"I also want to change the flooring in this area."

"Yes, Ma'am." Sabay na sagot ni Jacob at Pipo.

"We want to start the renovation next month." Saad niya.

The Audacity of Chino ArvesuKde žijí příběhy. Začni objevovat