Chapter 11

564 31 8
                                    

THE AUDACITY OF CHINO ARVESU

Chapter 11

Buong byahe ay hindi sila nag iimikan ni Lauren. Nakarating sila sa bahay nito na nakatutok lamang ito sa iPad at nagbabasa ng reports doon. Bago ito bumaba ay nagsalita siya.

"Nakausap ko pala yung agent ng property na gusto natin, gusto niyang mag set ng meeting para sa payment plan. When are you available?"

"I'll let you know." Sagot sa kanya ni Lauren. Mukhang ginagantihan siya nito sa pagsusuplado niya kanina. Hindi naman niya sinasadya iyon, talagang iritable lamang siya.

Nagbuntong hininga siya at bumaba upang pagbuksan ito ng pinto.

"I'm sorry." Saad niya bago pa man ito makababa.

"What for?" Tanong nito habang nakataas ang isang kilay sa kanya.

"You're right. You don't deserve a one word answer treatment from me. I'm sorry." Paliwanag niya

"Good. Apology accepted. Good night, Mr. Arvesu." Saad ni Lauren at bumaba na ito ng sasakyan niya kaya't pumormal na rin siya.

"Okay. Good night, Ms. Cosiarelli." Sagot niya. Nang makapasok ito sa bahay ay umalis na rin lamang siya.

-

Tatlong araw na ang nakakalipas at ni hindi man lamang siya tinatawagan ni Lauren para sa availability nito.

Nag send siya ng email dito para sa requirements na isusumite nila sa bangko para sa pag acquire ng property na gusto nila.

Nang lumipas ang kalahating araw na wala siyang nakukuhang reaponse sa babaeng suplada na hindi siya type ay minabuti niyang sadyain na ito sa opisina nito.

Mukha namang natatandaan na siyang unti-unti ng mga empleyado nito dahil pinaderetso lamang siya ng mga ito. Pero iba ang loyalty ng secretary nito dahil hinarang pa rin siya nito.

"Wala po kayong appointment kay Ma'am Lauren." Sabi nito sa kanya.

"I know. Is she available?"

"May meeting pa po siya."

"Tell her I'm here. I'll wait." Sagot niya at naupo sa couch.

Hindi na sumagot ang secretary nito at pumasok na lamang sa pinaka silid ni Lauren. Nang lumabas ito ay sinabi nitong mga kalahating oras pa raw siguro ang meeting ni Lauren. Nagkibit balikat naman siya dahil saglit lamang iyon kumpara sa ilang araw niyang paghihintay sa tawag nito.

Naka-cross legs siya at tinitingnan ang mga brochures at magazine ng company ni Lauren. Inalok siya ng coffee ng secretary nito pero tinanggihan niya ito, hindi naman kasi masarap.

Marketing is really one of her strong suits. Kung ang brochures at magazine ang pagbabasihan niya ay talagang mapapabili siya ng produkto nito. Iyon naman talaga ang isa rin sa dahilan kung bakit naging interesado siya rito.

Lampas kalahating oras siguro siyang nakaupo sa couch nang bumukas ang pinto at lumabas ang tatlong tao r'on. Agad namang pumasok sa loob ang secretary ni Lauren. Isinara naman niya ang magazine at ibinalik iyon sa rack.

He waited. May limang minuto pa siguro na nasa loob ang dalawang babae bago lumabas ang secretary nito at pinapasok siya.

Naalala niya ang unang beses na nagpunta siya sa opisina nito. Ganito rin ang aura ng dalaga at mukhang ayaw na siyang paaubutin ng bukas. Malamig na naman ang tingin na ipinupukol nito sa kanya.

"Sinend na sa atin ng broker ang mga requirements na kailangang isumite sa bangko." Saad niya. Sa email ay naka send iyon sa kanilang dalawa ni Lauren at kailangan nilang ma-comply iyong kaagad kung gusto nilang mapabilis din ang proseso.

The Audacity of Chino ArvesuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon