Chapter 13

352 19 4
                                    

THE AUDACITY OF CHINO ARVESU

Chapter 13

"Someone's a little drunk." Bulong niya kay Lauren nang makita niyang namumula na ang pisngi nito at nakangiti na sa lahat. Duda siya kung natatandaan pa nito kung sino ang mga kausap.

Nang maghiwalay sila kanina dahil tinulungan niya si Esso ay iniwan niya ito sa table kung saan katabi ang Mama at ang hipag niya. Ngayon ay naroon pa rin ito sa nasabing lamesa pero iba na ang katabi nito. Mga pinsan niya at ilang mga kaibigan ng pamilya nila ang kasama nito. Halos lahat yata ng mga bisita nila na lumalapit at mukhang nag iisip kung sino ito ay oblivious lamang na kinakausap ni Lauren dahil sa alak.

"I'm not drunk." Sagot ng magandang babaeng binulungan niya. Dahilan upang mapangiti lamang siya. Amoy niya ang alak dito. Namumungay na rin ang mga mata nito bukod sa namumulang pisngi. Kusa naman itong sumandal sa kanya na tila ba kumukuha ito ng lakas sa kanya. Nanlalambot pa yata ang kabulungan niya.

Talagang may amats na ito.

"Excuse me, I'm taking Lauren." Saad niya sa mga kasama nito sa lamesa.

"But ..." Simula pa nito pero nagpadala rin naman sa kanya. Talagang nanlalambot na nga yata ito dahil hindi na pantay ang paglakad nito. Ipinaikot naman niya ang braso sa balikat nito upang umalalay.

"Hmm, right. You're not drunk." He teased.

"I'm really not." She insisted, and he just smiled at her.

"You're adorable."

Sumimangot naman ito sa kanya kaya't lalo lamang lumawak ang ngiti niya.

"Halika muna doon sa labas at magpahangin ka. Dinadaya ka ng mga kainuman mo."

"Okay." Sagot ni Lauren. Ang mga pinsan naman niya ay nakangiti na lamang din sa kanilang dalawa ni Lauren. Mga may amats na rin.

-

"I'm really not drunk." Saad ni Lauren nang dalhin niya ito sa may balkonahe sa likod ng bahay. Malamig ang hanging nagmumula sa dagat.

"Would you like to sit?" Tanong niya rito at marahan itong dinala sa may bakanteng upuan pero umiling ito sa kanya at sumandal na lamang sa pader.

"I'm not drunk. Maybe tipsy, but not drunk." Pagpipilit pa nito.

"Okay." Sagot na lamang niya at hinawakan ang magkabilang braso nito. "How are you feeling?" Tanong niya sa babaeng hindi raw lasing.

"Weird." Sagot nito. "Ngayon lang ako nakainom ng lambanog." Dagdag pa nito. Hindi mawala ang ngiti niya habang kausap ang magandang babae na hindi raw lasing.

"Sino bang nagpainom sa'yo?" Tanong niya rito.

"I don't know. I think it's your mom. Pero hindi lambanog 'yon. She gave me a glass of wine." Sabi nito at humawak sa dibdib niya. "Of course I can't say "no" to your mother..." Pilit niyang pinipigilan ang pag ngiti pero imposible iyon habang patuloy na nag k-kwento si Lauren sa kanya. His hand traveled from her arm to her back. He intertwined his fingers there, pulling her closer to him.

"... then someone gave me a glass. Sabi ng pinsan mo inumin ko raw. Lambanog na pala 'yon ..."

Her lashes fluttering at him.

"... then I think your neighbor, sabi niya kapitbahay niyo siya. Binigyan niya rin ako ng baso." Sumbong nito sa kanya at lumabi.

Damn, the ice queen can be so adorable without her knowing of it.

"And being the polite person that you are, tinanggap mo ang lahat ng pinaiinom nila sa'yo." Sabi niya at tumango ito.

"Of course, ayaw ko naman masabihan nila ako na suplada. I also want to be accepted and liked by your family and friends."

The Audacity of Chino ArvesuWhere stories live. Discover now