Chapter 15

667 23 4
                                    

THE AUDACITY OF CHINO ARVESU

Chapter 15

Masama ang tingin ni Pipo at Jacob sa kanya nang dumating siya sa restaurant. Eksaktong pagpasok niya kasi ay nasa counter ang dalawa at parehong may kaharap na laptop.

Dumeretso naman siya sa likod ng counter at sinalinan ang sarili ng bagong brew na kape.

"What?" Tanong niya sa dalawa bago humigop ng kape.

"Binigyan mo kami ng deadline para sa isang linggo. Hindi lang ikaw ang kliyente namin." Si Jacob. Ah, kung ganoon ay ang proje

"Kanino ba kayo nag commit? Sa akin ba?"

"Ikaw pa rin ang may sabi." Segunda ni Pipo.

"Gusto niyo tawagan ko na lang ang business partner ko para sabihin na hindi niyo kaya mag deliver sa petsa na gusto niya?" Hamon niya.

"You're an asshole." Sabi ni Jacob.

"Ano, ano gusto niyo sabihin ko sa kanya? Pwede naman kasi kaming maghanap ng ibang firm."

"Gago. Kaya namin, tarantado ka lang talaga."

"Bakit sa'kin kasi kayo nagagalit?"

"Alangan naman na sa business partner mo kami magalit? Ikaw 'tong mayabang." Si Jacob ulit.

"Business partner ni Chino? Si Lauren ba 'yan?" Singit ni Esso na lumabas sa kitchen.

"Yes." Sagot ni Pipo. "Kilala mo ba?" Tanong pa nito.

"Oo, ilang beses ko na rin na-meet si Lauren. She's nice." Si Esso.

"Wala naman kaming sinabi na hindi siya nice, mayabang lang talaga itong si Chino." Depensa ni Pipo.

Hindi na siya umimik at hinayaan na lamang niyang mag usap -usap ang mga kaibigan niya. Kung mapag usapan siya ng mga ito ay tila wala siya doon. Kinuha na lamang niya ang cellphone at nagsimulang tumipa.

"How are you?" Message niya kay Lauren. Inihatid niya ito sa trabaho kaninang umaga pagkatapos niya itong pupugin ng halik nang magising siya sa tabi nito.

Nagpapahalik naman sa kanya ang business partner niya, kaso lamang ay sinusungitan siya pagkatapos. Pero ayos lang, basta nagpapahalik.

Habang nasa kalsada sila papunta sa opisina nito ay hinding hindi man lang siya nito nginitian, pero bago bumaba ng sasakyan ay nagpahalik din naman itong muli sa kanya. Nakikipag holding hands din naman habang nagmamaneho siya. Hindi nga lang siya nginingitian.

"I'm okay. Why?" Reply nito sa kanya.

"Lunch?"

"Okay."

"I'll be there in ten."

Isinilid niya kaagad sa bulsa ang cellphone niya at pumormang aalis na.

"Aalis ka na? Kakarating mo lang." Saad ng kapatid niya.

"Yup, may pupuntahan pa ako. Babalik na lang ako mamaya." Sagot niya lang at hindi na pinansin ang iba pang sinasabi ng mga kaibigan niya.

Doon na muna siya sa babaeng hindi raw siya type pero nagpapahalik na sa kanya.

-

"Hey." Untag niya kay Lauren na nakaupo sa sofa at may hawak na iPad. Tumabi naman siya rito at agad na muling kinumusta ito. "You okay?"

"Yes, I'm okay." Sagot nito at bumaling sa kanya. "Why? Itinanong mo na rin kanina 'yan."

"Nothing. Just curious." Kibit balikat na lamang niyang sagot. "Where do you want to eat?" Pagpapalit niya sa usapan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Audacity of Chino ArvesuWhere stories live. Discover now