Chapter 3

34 4 2
                                    


Warning: Explicit Content (Bad Language)


             "Where's my Dad?!" dere-deretso kong takbo papunta sa kung nasaan ang selda at nakitang tulog si Dad sa sahig. "DAD?!" kalampag ko sa rehas pero tulog na tulog ito. Galit na bumaling ako sa pulis na nakabantay sa gilid. "Mukha bang adik tatay ko para dakipin niyo?!" 

             "Ma'am, iyon po ang sabi sa amin. Drug addict at dealer daw ho yang tatay niyo." sagot nito na lalong nagpapantig sa tenga ko.

             "At sinong putangina naman ang nag utos niyan?! Tarantado pala kayo! Halata namang lango lang sa alak yan at hindi sa droga!" 

             "Ingay mo, Daya." 

             Agad akong napasugod kay Rosson pero agad ring may umawat sakin. "Hayop ka talaga! Pati tatay ko dinadamay mong lintek ka!"

             Ngumisi ito na ginantihan ko ng matalim na tingin, "Alam mo naman ang gusto ko, Daya—"

             "Umasa ka hanggang sa pumuti yang mata mo! Ilabas mo tatay ko!" palag ko sa umaawat sa kin.

             Rosson laughed evilly at his desk and lustfully stared at me, "Edi mabubulok yang tatay mo dito."

             Gusto ko na lang umiyak sa daan habang naglalakad. Kung sino pa iyong nasa posisyon siya pa yung halang ang kaluluwa. 

             I left my Dad at the police station to calm myself. Hindi ako kakalma hanggat nakikita ko si Dad sa loob ng selda at ang pangit na mukha ni Rosson. I need to calm myself to think of what to do.

             Si Marcheline. Sigurado akong malaking tao ang kliyente ng babaeng yun. 

             I paced back and forth at the sidewalk as I called Marcheline. Hinihingal pa ito ng sagutin ang tawag, "Daya naman istorbo ka." iritadong pa ito.

             "March, I need help."

             "Puta, si Rosson na naman yan no?" agad na mura nito. "Anong ginawa ng abusadong yon?"

             "He arrested my Dad for possession of drugs which we both know na hindi naman totoo dahil lasenggero lang naman tatay ko!" frustrated na paliwanag ko rito. I'm even pulling my hair in frustration, "Patulong naman, March."

             "Sure! Baka abogado papa ko ngayon," I can almost see her smirk that made me sigh in relief. "Pero gaga ka, may talent fee itong papa ko tsaka wag kang magpapakita dito nako ka."

             "Oo—magbabayad ako. Just help my dad get out of that shithole."

             "Sige, ako na bahala. Bye na may tatapusin pa ko." 

             I sat on the sidewalk to and sighed deeply. Napatingala na lang ako sa langit na nakatago ang buwan. Maybe this day isn't still the day the world will let me change for good. 

             Sunod ko namang tinawagan ay si Chad para magtanong sa kaso ni Dad. He just told me that possession of illegal drugs are non-bailable but if tested negative, pwede daw ma-absuelto. That's just what I asked him, I didn't tell him why I asked dahil baka madamay pa siya sa kagaguhan ni Rosson.

             It's been a week since my dad got out of jail thanks to Marcheline. At balik na naman ako sa dati kong buhay. Iyong alahas na bigay niya ay soyang ibinenta ko para pang bayad sa abogadong tumulong kay Dad. That's why I'm back being the criminal again. Wala e, ginago na naman ang ng mundo.

Acquiescence of DiamondWhere stories live. Discover now