Chapter 52

780K 8.6K 1.3K
                                    



Copyright © ScribblerMia, 2012.



"What happened? Why won't you tell me? Damn it!" Kaye shouted, her voice echoing in the four corners of the room.

"Who did this to you, Fafa?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Philip. May hawak pa itong puting panyo na kunway' dinadampi sa mga mata maya't maya. Nakaupo siya sa gilid ng kama ni Neiji.

Hindi makatingin ng diretso si Neiji, nanginginig ang gilid ng labi nito.

"We were so worried!" Kaye shrieked.

"We thought you're going to die, Fafa!" Philip added.

"Talk! What? Did you cut your tongue?" Kaye yelled. Napapadyak ito sa inis.

Tahimik lang si Neiji na nakayuko.

"Answer me!" Lumapit si Kaye sa gilid ng kama ni Neiji at hinampas ng malakas ang balikat ng kawawang lalaki.

Napangiwi si Neiji.

"Dude, ano? Ilalabas na ba namin ang mga balahurang ito?" Rojan asked. Lumapit ito sa tabi ni Neiji.

"Sino'ng balahura? Gusto mong maghalo ang balat sa tinalupan?" Binigyan ito ni Kaye ng nakamamatay na tingin.

"Chill. I was just kidding, Kaye." Nakataas ang dalawang kamay na sabi nito at paatras na bumalik sa upuan niya. "God. She's a freak. No. They both are." He mumbled.

"Good luck, bro." Trace whispered to Neiji.

Binigyan ako ni Neiji nang nagmamakaawang tingin.

I mouthed "I'm sorry" before I avoided his gaze. I can't do anything, lalo pa't high blood si Kaye.

Kasalukuyan kasi kaming nasa hospital. Pagkauwi kasi namin galing Nasugbu, naisipan na naming dumaan dito para na rin matingnan ang lagay nina Neiji at Jigger. Subalit hindi pa kami nakakapasok ay nagdrama na si Kaye. Feeling niya ay kasalukuyang may shooting ng isang drama kung saan namatay ang bidang lalaking kanyang iniibig. Sa totoo lang, teary-eyed lang siya, hindi pa talaga pumapatak ang mga luha niya. Dinadaan lang niya sa pag-iinarte at paggaralgal ng boses kung kaya't para siyang luka-lukang halos mamatay sa "pag-iyak."Pinipigilan namin siya ni Cess, but what can we do? Dalawa sila ni Philip na nag-iinarte. Hindi ko alam kung mentally challenged ba ang mga ito o sadyang iniwan na sila ng tinatawag na maturity. At heto nga, kanina pa siyang ganyan. Nandito ang ibang CW members habang umuwi na ang iba. Nakaupo kami ni KJ at Cess, ganoon din ang iba. Inabala na lang namin ang mga sarili sa panonood sa mga baliw na nasa harap namin.

At ayon nga, patuloy sa pagdadrama sina Kaye at Philip habang napapailing at napapa-facepalm na lang ang mga CW members habang pinanonood ang kabaliwang nagaganap.

Si Cess na marahil ay hindi na matiis ang ingay ay naglagay na ang ng earphones sa tainga.

"Will you stop those two? They're annoying, really." KJ hissed.

"Why won't you do it instead?" I shot back. Nakataas ang isang kilay ko.

He glared at me.

I glared back.

"Hey, hey, you two." Awat ni Zach, ni Fafa Zach. Katabi kasi siya ni KJ.

At singbilis ng kidlat na nagbago ang ekspresyon ko. I smiled at him.

KJ gave me a what-the-fuck look.

The Boy Next Door (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant