Chapter 55

707K 8K 1.5K
                                    

Mia's Message: I just want to clarify this: I AM NOT AGAINST FRATERNITIES AND SORORITIES. No'ng binasa niyo ang TBND, nabasa niyo ba sa prologue ang Author's Note ko regarding the characters I have used in this story? Hindi sila totoo! Walang CW at Alpha Delta Omicron sa UPLB. Gawa-gawa ko lang sila. So 'wag niyong isipin na lahat ng frats and soros sa school namin ay ganito. Sa story ko, may pagka warfreak ang dalawang frats. Again, sa STORY ko. Hindi sa totoong buhay. 

Hello kay DempseyRoll ng Twitter na nagpapabati. Hihihi.

HAPPY READING! :D

 --

Copyright © ScribblerMia, 2012

 "Where is he?" I muttered.

Kanina pa ako paikot-ikot sa campus pero hindi ko siya makita.

I texted my friends, but they told me that they didn't go to school today. Natulog na lang daw sila sa dorm ni Philip. Narealized kasi nila na wala sila sa huwisyo na pumasok.

I know, ang sipag ng mga friends ko. Note the sarcasm here.

Bumalik ulit ako sa cafeteria. Pero walang KJ.

Inikot ko ang buong library kahit halos maubusan na ako ng hininga, pero wala pa rin siya.

I tried to call him, but he's not answering.

I texted Neiji, Rojan, Jigger, and Trace, but no one bothered to text me back. Purita mirasol ba ang mga frat men na ito at para pisong load lang e hindi pa makapag-reply? Nakakaloka.

Napasabunot ako sa inis. Bakit ba naman kasi hindi ko kinuha kay KJ ang schedule niya. Bukas nga ipapa-photocopy ko na ang sched niya para may sarili rin akong kopya at para mamonitor ko siya. Hehehe.

Okay, one more call.

Calling...

Calling...

No answer.

Argh! Dude, seriously? Kulang na lang ay ihagis ko ang cellphone ko sa trash bin. Nakakainis naman si KJ, e. Kung kailan hinahanap mo, hindi mo makita. Kung kailan naman hindi mo kailangan, saka naman sumusulpot. Ang chaka niya talaga---

"...sina Karl at Neiji."

I froze.

May dalawang lalaking naglalakad sa harapan ko na nag-uusap. Parehas silang matangkad at may kalakihan ang katawan. Si Kuya na naka-yellow shirt at nakasalamin ang narinig kong nagsalita habang nakakunot-noo naman si Kuya na naka-pink. Mukhang kagagaling lang nila sa klase nila.

Oh my God. Thank you, Lord. Sila ang sagot!

Nagkunwari akong nagtetext at pasimpleng pumihit patalikod para sundan sila.

"I thought they were done?" Sagot ni Kuyang naka-yellow.

The Boy Next Door (Completed)Where stories live. Discover now