Chapter 18

917K 11.3K 1.7K
                                    

 Copyright © ScribblerMia, 2012

“Alam niyo ba iyong inis na inis ka to the point na ilang beses mong pinapatay 'yong tao sa utak mo? Na dumating ka sa point na nag-plot ka ng murder laban sa kanya? Na gusto mo siyang paluhudin sa asin? Na itali siya sa kabayo habang kinakaladkad sa batuhan? Na sabuyan ng asido ang buong katawan? Na tusukin ang mga mata niya gamit ang screwdriver? O ipalapa sa lion?” Those were my thoughts that time.

Gusto kong pumatay, promise. Lalo pa at makikita mong palakad-lakad sa harapan mo ang isang taong pakanta-kanta na nagpi-feeling John Mayer. Na ikaw, nanonood ka ng Gossip Girl, habang siya? Abala sa pagpapabalik-balik na hindi mo malaman kung ano’ng ginagawa at kailangang dumaan sa harap ng TV kada limang minuto. Ang nakakainis pa ay iyong titingin siya sa'yo tuwing kakantahin ang linyang "Your body is a wonderland."

Pervert alert! If only I could crush his bones, I would. 

"Hoy, OA. Luwa na ang mga mata mo kakapanood ng TV," he said as he grinned. He's munching a chocolate. Sa kabilang kamay, may hawak siyang Pringles.

Bigla naman akong napangiti nang makita ang Pringles sa kamay niya. Pero binawi ko rin agad ito at hindi pinahalata sa kanya. 

"Go, Nate. Ang gwapo mo talaga," hindi ko napigilang sabi. Kinikilig kasi ako sa kanya. Ang gwapo, e. 

"Sino’ng gwapo?" Kunot-noong tanong ni KJ.

Deadmahin mo, Astrid. Galit ka, remember?

"Hey."

Deadma ulit. Uso ang deadmahan ngayon.

"OA." He poked me.

 I completely ignored him. 

"Sino’ng gwapo?!" He suddenly shouted.

Ano ba’ng problema nito? Big deal ba talaga lahat ng bagay sa kanya? Seriously, dude? Was he that hot-tempered? 

"Ano ba'ng pake mo? Is it a big deal for you who's handsome and who's not?! Babaw mo, pare!" Inirapan ko ito. 

He heaved a frustrated sigh and then walked out leaving me...and the Pringles alone. 

I smiled wickedly. Napapalakpak ako sa tuwa. Bigla ko namang kinuha ang Pringles at binuksan. I started eating my favorite food happily. Sumandal pa ako sa sofa habang tinaas ang mga paa sa center table. Mas masarap manood pag masarap ang kinakain. 

"Why did you eat that?!" Malakas na tanong ni KJ. He pouted, and believe me, it’s not cute. 

I pretended not to hear him.

"Ano? Bakit ka nangunguha ng bagay na hindi naman sa'yo?" Pangungulit nito. 

"E, iniwan mo, e. Finders keepers." I stuck out my tongue at him. 

Napailing ito. "Such a childish act, OA." 

Tingin mo ang pagpout mo hindi childish act? Pektusan kita, e.

"Go to hell, moron," I said in a sing-song voice. 

"Pahingi nga." Inagaw nito ang Pringles. "Hatian mo ako. Binili mo ba ito? I used my money to buy this. So, I think I have the right to eat this as well. What do you think?" He said in a sarcastic tone. 

Wala naman akong nagawa dahil may punto siya. Pinaghatian na lang namin ang Pringles habang nanonood ng Gossip Girl. Nakalagay ito sa gitna ng upuan para hating-kapatid talaga ang dating, walang dayaan. Halinhinan kami habang kumukuha. Pang-isahang kamay lang naman kasi ang lagayan nitong snack na ito, e. 

The Boy Next Door (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora