Chapter 25 (Part 1)

831K 9.8K 1.1K
                                    

Copyright © ScribblerMia, 2012

 I opened my eyes wearing a smile on my face. Nakatitig lang ako sa kisame. Weird.

 I remember crying hard yesterday.What happened?

Ang bilis naman yatang magbago ng mood ko. Kahapon lang, ang bigat ng pakiramdam ko dahil sa sakit. Pero ngayong umaga, ang gaan naman ng pakiramdam ko.

Parang…parang ang saya ko?

I smiled again.

Naisipan kong mag-inat. Pero nang iaangat ko na ang kamay ko…what the heavens!

 Si KJ. Nakaub-ob sa bed, holding my right hand.

Babawiin ko na sana ang kamay ko at sisigawan siya nang biglang may naalala ako.

“…I wish I could take away all the pains you are feeling right know. But I know I can’t. And since I can’t do it, I hope I might at least lessen the pain.”

He helped me. He helped me take away the pain.

I looked at him again. Tulog na tulog siya. Napuyat siguro ito.

Ano’ng oras na ba kasi natulog ang lalaking ito? Hindi ko na kasi namalayan. Nakatulog ako nang hindi ko napapansin. Grabe. Hindi ako makapaniwala. Akala ko magdamag akong magmumukmok at iisipin ang nangyari kahapon. Pero…nakangiti pa ako ngayong umaga.

This guy…This guy is really something.

Kahapon, halos maubusan ako ng hangin. Hindi ako makahinga sa sakit. Akala ko mamamatay na ako sa sakit.

Hinawakan ko ang buhok ng natutulog na lalaki. “Thanks, KJ...Thank you for making me breathe again,” I muttered and smiled.

 --

“Bilis!” KJ shouted.

 “Oo na! Sandali lang ha? Excited? Excited?” I shouted back.Ang weird talaga ng lalaking ito.

Kagabi, ang bait-bait. Ngayon naman, sinisigawan-sigawan ako. Pinaglihi yata ito sa sama ng loob. O, sin’ong bipolar ngayon?  

Kung hindi lang ako tinulungan nitong huminga kahapon, talagang matatamaan ito sa akin. Makakatikim ito ng mag-asawang sampal at ratrat na walang tigil kabubunganga. 

“Kupad-kupad. Get in,” iritableng sabi nito.

“Oo na! Leche. Problema mo? Meron ka?” Pabagsak kong sinara ang pinto ng kotse.

Hindi naman ako pinansin nito. Inirapan lang ako at diretsong tumingin sa daan.

Inirapan ko ito.

Nakasimangot ito habang nagmamaneho. Maya-maya, kinuha niya ang iPod niya at sinaksak sa mga tainga ang earphones.

Suplado ang peg? Kahapon, uber sa kasweetan. Ngayon, uber sa kasungitan. Ito ang tinatawag na sala sa lamig, sala sa init.

Hindi ko na lang ito pinansin pa. Hinayaan ko muna siyang makipagconference sa daan. Kung ayaw niya ng kausap, eh ‘di huwag. I opened my notes para magbasa-basa. May short quiz nga pala kami mamaya.

Then, my phone started to ring. 

 “Hello, Mama!” Excited kong sagot. Sobrang namimiss ko na talaga sila ni Papa.

“Hi, Baby. We miss you!” Excited at tuwang-tuwang sabi rin ng Mama ko. Naririnig ko rin sa background ang sigaw ni Papa.

"I miss you, too. Miss ko rin si Papa. Ma, kamusta?"

"Okay naman. Ang saya ng bakasyon namin. Ikaw, baby? How are you na?"

“Okay lang din. I miss you both na talaga. Uuwi na kayo bukas 'di ba? Pasalubong ko, Ma! Bakit ka pala napatawag?” I frowned.

“That. Uh. Baby, ano kasi...”

“Ano, Ma?” Bakit parang hindi maganda ang pakiramdam ko sa magaganap.

Narinig ko ang buntong hininga nito sa kabilang linya. “Tumawag si Tito Eduardo mo. Nag-iinvite siyang magbakasyon kami sa US for a month. Dapat ang Tita Elena mo lang eh. Kaso mapilit ang mag-asawa. Para raw sabay-sabay na kaming uuwi.” Dire-diretsong sabi ng Mama ko.

Is this a stupid joke?

“Ma! Are you serious?!” I asked her frantically.

One month?! One effin’ month?!

Nakita ko sa peripheral vision ko na napatingin saglit sa akin si KJ.

Tumingin muna ako saglit sa taong katabi ko. One month with this...One month with this creature?! This is suicide!

“Baby, please? Sige na. Pumayag ka na. You see, gustong-gusto talaga ni Papa na makabonding ang best friend niya. Alam na rin naman ni Karl, eh. Binilin na kita na bantayan ka.”

“But, Ma! Paano ang allowance ko? Paano ako kakain? Paano ako magbabayad ng biglaang fees sa school? Paano ang kinabukasan ko? Paano ang pambayad sa ilaw at kuryente? Paano ang gatas ni Junjun?” Sunod-sunod kong tanong.

Napansin kong kumunot ang noo ni yabang sa huli kong sinabi.

“Hoy, wala kang kapatid na Junjun. ‘Wag kang magdrama. Hindi ka si Ate Vi. Basta, kami na ang bahala doon. Don’t worry, baby. Dadagdagan namin ang allowance mo. May pangshopping ka na!” Nagagalak pa nitong sabi.

 “Ma! Alam niyo namang—“

“Baby, we need to go. I’ll call you again. Keep your lines open. Bye. We love you.  Mua mua.” Then, the line went off.

“Ma! Mama! Pa! Papa!” Malakas na tawag ko, pero hindi na sila muling tumawag.

 Tumingin ako kay yabang. Pero diretso pa rin ang tingin nito sa daan. Now I know kung bakit siya bad mood.

Dahil sa natanggap kong masamang balita ngayon, talaga nga namang nakakabad mood!

Bakit, Mama at Papa?!  Paano niyo ito nagawa sa only child niyo?

One month with KJ? Goodbye, earth.

The Boy Next Door (Completed)Where stories live. Discover now