Chapter 66

638K 8.7K 1.1K
                                    

Pabati Portion:

Hello kina Niña Vicencio at sa lahat ng UPLB CommArts! Hi, guys! Thanks for reading TBND. Hahaha.

Hello kina Leife John Magsilang, Myrelle Esguerra, Eam Lirpa Gutierrez, Marielle Gutierrez.

Mia's Message: Again, sa mga magpapabati, pakiPM ang mga sexytaries ko, okie? 'Wag niyo sa akin sabihin kasi makakalimutin ako. Sila ang nag-nonote ng pabati. Read chapter 58 for instructions.

--

Copyright © ScribblerMia, 2012

“Astrid?”

Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko, pinaghalong nerbiyos at takot.

Zach, why do you have to be that stupid? What were you planning to do?

 

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa bag at mabilis na nag-type.

To: The Almighty KJ

Zach left. Call him, ASAP. He might be in danger.

 

Nanlalamig ang mga kamay ko. Natatakot ako sa maaring mangyari kay Zach.

Sana okay lang siya. Sana nag-iisip siya. Sana hindi siya gumawa ng ikapapahamak niya. Sana hindi niya sinundan si Nicholas. Sana hindi katangahan ang pairalin niya. Please lang.

Napabuga ako sa hangin. 

Argh! God. These guys are frustrating. They’re mulish and reckless.

Napakamot ako sa noo ko. “Kainis!” 

Nanginginig na tinago ko sa bag ang cellphone ko.

Sumandal ako sa kotse ni KJ. “God. Ano’ng gagawin ko? Oh my God. Oh my God.” Napakagat labi ko

Bigla kong naramdaman ang paghawak ng mga kamay sa magkabilang-balikat ko.

“Huy. Astrid? What happened?”

“What if something bad happens? Oh my God. I really can’t—“

Marahan akong niyugyog ng taong iyon.

Awtomatikong napatigil ako sa mabilis na pagsasalita. Tila natauhan naman ako sa ginawa niya.

Dahan-dahan akong humarap sa kanya.

Bakas marahil sa mukha ko ang matinding nerbyos.

“M-Mike?” I stammered.

“Hey! Ano? Ayos ka lang ba?” He asked worriedly.

The Boy Next Door (Completed)Where stories live. Discover now