Chapter 41

961K 11.7K 2.2K
                                    

 

Copyright © ScribblerMia, 2012

Saturday.

 

Dumating na rin sina Mama galing States. Ang dami-dami nilang pasalubong. Ang dami ring kwento about their escapades. Siyempre, I felt a pang of envy. Who wouldn't? While I was busy studying, they were busy enjoying themselves.

But it's okay. Kung hindi kasi sila umalis, wala sana akong KJ ngayon, 'di ba? Ayiii. Kinikilig ako. Hahahaha. Kapag naiisip ko kasi si Mister KJ, natatawa akong ewan. Parang hindi pa rin ako makapaniwala. Ang bilis ng mga pangyayari. E paano ba naman kasi, kami na yata ang couple na hindi alam ang "sweetness." Hindi nga romantic ang confession moment namin e. But whenever I think about it, I have no regrets. I was happy with how the way things happened. I mean, can you expect us, KJ and I, to do all those mushy things and utter those cheesy lines without yelling at each other? Ganito na kasi kami talaga. Kami na ata ang weirdest couple ever. Away-bati. Minsan, nakakainis na ang away-bati na iyan. Pero kasi, ganyan naman ang tao 'di ba? At saka ganyan naman kami simula no'ng bata pa kami. Away-bati.  May mga bagay lang talaga kaming hindi mapagkasunduan. So ayon, nagtatalo kami at nag-aaway. Dahil kasi sa away-bati na iyan, I learned to love.

I learned to forgive.

I learned to give way.

Bakit nga ba natagalan bago naging kami e parang ang haba haba na ng istorya namin? Kasi, hindi naman madaling ma-fall out of love and fall in love again. Mahal ko si Harold noon. Tinulungan ako ni KJ na kalimutan siya. Pagkatapos no'n, tinuruan ako ni KJ na mahalin siya. So you see, it's not easy as one, two, and three. We're not some couple na basta na lang naging kami dahil bida kami sa isang istorya. Dumaan kami sa proseso. Mahabang proseso man, I think it's worth it. Because right now, I can say that I'm really really really happy...with him.

Pero kasi, wala talagang ka-sweetan na alam ang Karlito na iyan. Naku ha. Lagi pa rin kaming nagtatalo.

*RIIIIIIING RIIIIING*

 

"Hello." I answered lazily.

It's 10 in the morning. Wala pa ang kaluluwa ko sa katawan ko. In short, lutang pa ako.

"Bakla! San ka?" Tanong ni Philip.

Bigla ang pagmulat ng mga mata ko at pagbalik ng diwa ko.

 "Sa bahay. Bakit?" Si Philip pala. Bakit kaya?

"Tara gala."

"Where?"

"SM na lang para malapit."

"Alright. See you."

"11 sharp. Don't be late, sister."

I pressed the end call button and went back to bed.

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon