Chapter 28

909K 10.2K 2.4K
                                    

 

Copyright © ScribblerMia, 2012

 

 

"Ikaw lang naman ang mahal ko eh," sabi niya sa akin habang nakatalikod.

Nakayuko lang ako. Nakatingin sa damo. Bakit ba ako nandito? Ano'ng ginagawa ko rito?

 Ano'ng sinasabi nito?

 "Bakit ba hindi mo mapansin. Alam mo...ang tanga mo." Mahinang sabi pa rin niya.

Huwat? Nandito ako ngayon para sabihan niya ng tanga?

"Hoy! FYI, hindi ako tanga," I shouted.

"Ano pala kung hindi?" Lumingon siya saglit. Tapos tumalikod ulit. Hindi ko masyado makita ang mukha niya, masyado kasing mataas ang sikat ng araw. Nakakasilaw.

 "Manhid ka ba? Mahal kita....hahal na mahal kita."

Jeez. Was that a confession? Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Napatingin ako sa kanya. Nakatalikod pa rin siya.

"B-bakit?" That was the only word I can think of.

 "Kasi..."

 "Bakla ka!"

Huwat? Bakla ako?

"Bakla!"

Huh?

"Bakla!"

 *BOGSH*

 Holy mother of God!

Aray ko po. Diyos ko!

Unti-unti akong nagmulat.

 "Good morning, bakla!" Nakangiting bati sa akin ni Philip. Nakalapit ang mukha niya sa mukha ko.

I blinked twice.

"Philip?"

"Sino pa ba? E 'di walang iba kung hindi ang nag-iisang Dyosa ng mga kababaihan at kabaklaaan." Sabay beautiful eyes pa nito.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Manghang-mangha kong tanong.

I looked at the clock, 10:00 in the morning.

"Wala. Dinalaw ka." Humagalpak ito ng tawa.

"Paano ka nakapasok sa kwarto ko?"

"Malamang binuksan ang pinto." He said sarcastically sabay nguso sa direksyon ng pinto.

The Boy Next Door (Completed)Where stories live. Discover now