Seen

2 1 0
                                    

Maria: Magandang gabi po, Mang Hudas! Nandiyan po ba si Pedro?

Hudas: Si Pedro? Baka nasa inuman na naman. Hanapin mo sa puno ng balete.

Maria: Wala po siya roon.

Hudas: E, nasaan kaya? Kanina lang nandito 'yon, nagti-Tiktok, e. 

Maria: Siguro, iniiwasan niya ako. Hindi po kasi niya sini-seen ang chat ko.

Hudas: Ah, naku, Maria... Akala ko ikaw ang ka-chat niya kaniya. Panay ang ngiti. Hindi pala ikaw 'yon. Manang-mana talaga sa kapatid ko. O, sige na, magsisimula na kasi ang Batang Quiapo. Manonood na ako.

Maria: Sige po. Pakisabi na lang na pumunta ako. Salamat po!

Juan: Grabe! Siniraan na naman ako ng hudas kong angkol! Tsk-tsk!

TipakLong StoryWhere stories live. Discover now