Confession Room

1 1 0
                                    

Hudas: Nasaan na naman ako? Bakit ako narito?

Lolo Metong: Nasa Confession Room ka, Hudas.

Hudas: Ha? Peke ito. Hindi ito ang Confession Room na napapanood ko sa tv. Hindi ikaw si Kuya.

Lolo Metong: Original 'to, Hudas. Ako si Lolo Metong. Ito ang Glass House. Iba ito sa akala mo. Kuya siya, lolo naman ako. Gets mo? Isa pa, hindi ako malungkot, pero ikaw, alam kong marami kang itinatagong sikreto na nagpapalungkot sa buhay mo. Kailangan mong i-confess ang mga iyon.

Hudas: Ano ka, hilo? Ayaw ko nga! Para ano? Para maging ebidensiya laban sa akin? No way!

Lolo Metong: Ano bang kinatatakutan mo? May kasalanan ka ba sa kapuwa mo o sa batas?

Hudas: Ha? E... I... O... Tumigil ka, Lolo Metong! Katanda mo na, nangingialam ka pa sa buhay ng iba.

Lolo Metong: Ito ang buhay ko. Ito ang trabaho ko. Dito ako yumayaman. (Tatawa)

Hudas: Basta! Ayaw ko. Ilabas mo na ako rito sa bahay mong puro salamin.

Lolo Metong: Sige, hahanap na lang ako ng ibang gustong mag-confess live sa tv at gustong manalo ng 100 square meters garden, 2 million pesos, at exclusive contract sa Lolo Metong Films. 

Hudas: Ito naman si Lolo Metong, hindi na mabiro. 

TipakLong StoryWhere stories live. Discover now